Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Claudine Barreto, nagbahagi ng naging buhay matapos magpahinga sa showbiz

Ano nga ba ang nangyari nang magpahinga si Claudine sa showbizness?


Nagkwento ang aktres na si Claudine Barretto tungkol sa pag-alis sa showbiz para tumutok sa pagiging single mom.

Matapos gawin ang pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015, sinabi ni Claudine Barretto na umatras siya sa showbiz para mag-focus sa kanyang personal na buhay, isang desisyon na hindi niya pinagsisisihan.

“It was a very painful decision for me to leave showbusiness so that I could focus on my children. Kasi nga my ex-husband and I, we were separated already.


So I didn’t want yung kids ko to ever feel na wala na silang tatay, wala pa silang nanay. So it was a very painful and conscious decision to leave showbiz. Looking back, I’d still do the same thing. It was all worth it naman. Worth it naman talaga kasi ang babait ng mga anak ko. Ang ganda ng bond namin. At least yung formative years nila talagang andun ako,” pagbabahagi ng aktres sa media conference na ginawa ng Vivamax para sa kanyang bagong thriller film na ‘Deception’.

Sinabi din ni Claudine na naroon parin ang pressure lalo na ngayong ang pelikulang ‘Deception’ ang kanyang magiging official comeback project.

“Yes kasi lahat naman talaga kapag meron kang bagong pelikula or bagong show na ipapalabas talagang hindi nawawala yung kaba, yung nerbiyos, yung excitement. Halo-halo na. Lalo na’t yung last movie na nagawa ko pa was Etiquette for Mistresses. So ilang years ago yun.

“So parang now malaki ang pressure sa amin ni Mark (Mark Anthony Fernandez, her co-star) kasi ngayon lang kami magkakatrabaho sa lahat ng mga taon na pinag-usapan na magkakatrabaho kami na hindi matuloy-tuloy. I’m very thankful nga kasi si direk Joel (Lamangan) hindi talaga kami pinabayaan. So talagang minotivate niya kami. Pero siyempre yun ang takot ko nung una talaga na baka maging stiff ako or ano. Pero with the help of direk Joel and of course Mark, everything went well naman,” ibinahagi pa niya.

Para hindi malayo sa pamilya sa lock-in bubble nila para sa pelikula, sinabi ni Claudine na siniguro niyang malapit ang kanyang mga anak.

“Working during a pandemic siyempre you’re very cautious, you’re very careful, and mahirap talaga kasi lahat kailangan naka-swab, lock-in shooting kami. I’m just thankful kasi pinayagan akong dalhin yung mga anak ko. Kasi mahihirapan ako mag-lock-in shooting na hindi ko kasama yung mga anak ko. Hindi ako makaka-focus ng maayos. kasi Pampanga kami nag-shooting. I think yun yung pinaka-main concern na you’re working but at the same time alam mo na any time you can get hit by COVID,” saad ng aktres.

Nang tanungin kung paano niya pinaghandaan ang pelikula matapos ang mahigit anim na taong hindi pag-arte, inamin ni Claudine na isa lang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.

“Isa lang. Makinig ka sa director kasi siya yung captain of the ship. The whole time when I was doing Deception, yung honor na lang eh, yung privilege na makatrabaho mo si direk Joel (Lamangan). Puro TV kasi kami ni direk nagkasama, never sa pelikula. So ang sabi ko nga lahat ng mga director na magagaling nakatrabaho ko na dahil nakatrabaho ko na si direk Joel sa pelikula. Wala kaming workshop or anything. As actors and as artists, nag-strive kaming lahat,” dagdag pa niya.

Panoorin ang ‘Deception’ na eksklusibong napapanood ngayon sa Vivamax. Pinagbibidahan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, sa direksiyon ng batiking director na si Joel Lamangan at produksiyon sa ilalim ng Borracho films.



Claudine Barreto, nagbahagi ng naging buhay matapos magpahinga sa showbiz
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments