Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ronnie Alonte, ibinahagi ang sekreto ng matatag na 5-year relationship kay Loisa Andalio

Bakit nga ba nananatiling matatag ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?


Ibinahagi ng aktor ng ‘The Goodbye Girl’ na si Ronnie Alonte kung bakit hindi niya makita ang kanyang hinaharap na di kasama ang longtime girlfriend na si Loisa Andalio sa kanyang tabi.

Matapos magbida sa digital series na ‘Unloving U’ noong nakaraang taon kasama si Loisa Andalio, sinabi ni Ronnie Alonte na masaya siyang makatrabahong muli ang kanyang longtime girlfriend sa pinakabagong iWantTFC Original series na ‘The Goodbye Girl’ na magsisimulang mag-stream sa February 14.

Sa katatapos lamang na media event para sa serye, ibinahagi ni Ronnie kung bakit espesyal ang kanyang real-and-reel life leading lady.


“Okay na ako eh. Kuntento na ako sa kanya. Kaya parang ang hirap din na sabihin ko sa kanya or magpaalam ako sa kanya ng ganun kasi okay na ako. Kuntento na ako. Once na nakuntento ka, yun naman ang importante. Once na nakuntento ka at kumportable ka, wala ka ng hahanapin pang iba,” pagbabahagi ng aktor.

Sa lahat ng mga eksena nila sa The Goodbye Girl, inamin ni Ronnie na sila ni Loisa ang pinaka-relate sa mga arguments scenes dahil sa kung paano ito nag-echo ng sarili nilang hindi pagkakasundo sa likod ng camera.

“Hindi naman namin masasabi na yung relasyon namin masaya talaga. Siyempre off-cam naman meron talagang nangyayari na hindi nila nakikita at nababalitaan. Ang pinagkaiba nito, ito kasing mga character namin na si Gab at si Mara talagang away dire-diretso eh. Kahit sa set ganun sila.

“Kami naman ni Loisa, hindi kami lumalabas ng hindi kami okay. Kung magkaaway tayo ngayon, pag-uusapan natin para paglabas natin okay tayong dalawa. Hindi puwedeng magkaaway kami kasi hindi lang naman para sa amin yun eh, sa set din maaapektuhan. Ayaw namin na may naaapektuhang iba or nadadamay. So papag-usapan namin,” pagpapaliwanag niya.

Sinabi din ni Ronnie na hindi kalianman naging issue kung sino ang unang magso-sorry tuwing may hindi sila pagkakaunawaan.

“Yun din yung maganda sa amin. Walang pride pride dito. So kung ako yung alam kong may kasalanan, ako yung nag-so-sorry mismo kusa sa kanya and siya ganun din. Sorry agad. Same din naman siya sa akin. Pagka alam niya na siya yung may kasalanan, lalapit na yan sa akin sasabihin niya, ‘Sorry na bhe.’ Kasi kahit maliit na bagay na ganun, yun din ang nagko-cause ng hiwalayan, di pagkakaintindihan. Kasi once na nag-sorry ka sa isang tao tapos hahawakan mo na siya ng ganyan, sobrang nakakalambot ng puso yun eh. So importante talaga yung nag-so-sorry at tinatanggap mo yung pagkakamali mo,” pagbunyag ng aktor.

Sinabi ni Ronnie na ang nagpapatibay ng kanilang limang taon na relasyon ay ang kanilang malalim na pag-unawa sa isa’t isa, maging sa mga kapintasan at lahat.

“Kailangan kasi naiintindihan niyo ang isa’t isa eh. Nagbibigayan talaga kayo. Iba pag nagkakaintindihan kayo. Kailangan sinasabi niyo yung nararamdaman niyo talaga. Huwag niyo na patatagalin. Pag may gusto kang sabihin sa kanya, kailangan sabihin mo na sa kanya. Ang kagandahan siguro kay Loisa kaya kami nagtagal kasi una pa lang, talagang wala na kaming tinatago sa isa’t isa. Sinasabi na namin talaga. Ginagawa na niya lahat lahat. So para sa akin, kung meron man, siguro pagka nagka-pamilya na kami. Pero ngayon bilang magjowa pa lang kami, parang feeling ko na-discover ko naman lahat sa kanya. Wala pa akong ibang bagay na bagong na-discover. Yung lumabas na ugali niyang ayaw ko, okay lang (laughs),” pag-ako nito.

Panoorin sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa The Clueless Girl episode ng The Goodbye Girl. Ito magsisimulang mag-stream sa Pebrero 14, na may bagong episode na papalabas araw-araw sa iWantTFC app at website.



Ronnie Alonte, ibinahagi ang sekreto ng matatag na 5-year relationship kay Loisa Andalio
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments