Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Medyo nakakasakal si Barbie, dahilan ng hiwalayan nila ni Diego ayon kay Ogie Diaz

Idinetalye ni Ogie Diaz ang ilang dahilan ng hiwalayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial


Matapos nga ang ilang linggong pagiging usap-usapan ng hiwalayan ng showbiz couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay natuldukan na nga ito kamakailan.

Sa isang latest interview mula sa presscon ng kaniyang upcoming limited series na ‘The Goodbye Girl’ ay tinuldukan na nga ni Barbie Imperial ang mga kuro kuro sa estado ng kaniyang pag-ibig.

Dito ay inamin niyang hiwalay na nga sila ng boyfriend (ngayo’y ex na) na si Diego Loyzaga na kasalukuyan pa ring nagbabakasyon ngayon sa Amerika.


“Natutunan ko na, baka kaya paulit-ulit na nangyayari sa akin ito kasi hindi ko talaga minamahal ‘yung sarili ko, Kasi it’s like all the same stories, each boyfriend, so for me, parang, what if, ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ‘yung mahalin ko,” ang siyang naging pahayag ni Barbie.

Samantala sa latest showbiz update naman ng showbiz manager na si Ogie Diaz ay ibinahagi pa nito ang mas naging malalim na dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Matatandaang sa mga nagdaang linggo rin ay ibinahagi na ni Ogie na kumpirmado na ang hiwalayan ng dalawa ayon sa mapagkakatiwalaang source niya.

Ngayon naman ay ibinahagi ni Ogie ang ilang dahilan kung bakit tila sinukuan na ni Diego Loyzaga ang pakikipag relasyon niya kay Barbie Imperial.

“Kasi medyo nakakasakal din daw itong si Barbie Imperial, sabi sakin ng source ko,” pagsisimula ni Ogie saka ibinahagi ang isa umanong encounter ng ina ni Diego na si Teresa kay Barbie.

“Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S., eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego,” dugtong pa nito.

“Eh one time daw itong si Teresa Loyzaga, eh sinabi, ‘Hija wala ka bang ibang mga gagawin?’ Parang ganun. Baka meron ka pang ibang trabaho, o ano. So parang in short, gusto na siyang pauwiin.

“Kasi nga dun nga nakababad sa bahay nila. Eh siguro ganun siguro magmahal si Barbie no, pag nagmahal siya, all mine to give,” paliwanag pa ni Ogie.

Matatandaang isa sina Barbie at Diego sa mga showbiz couple na naging maingay sa social media dahil na rin sa mga super sweet photos and messages na ibinabahagi nila para sa isa’t-isa sa social media ngunit ngayon nga’y nauwi lamang sa hiwalayan ang lahat.



Medyo nakakasakal si Barbie, dahilan ng hiwalayan nila ni Diego ayon kay Ogie Diaz
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments