Mariel Rodriguez sinagot ang katanungan kung makababalik pa ba siya sa PBB bilang host
Hindi na raw iniisip ni Mariel Rodriguez-Padilla na babalik pa siya bilang host ng reality show na “Pinoy Big Brother.”
Sinabi ito ni Mariel bilang tugon sa isa sa kanyang mga tagasunod sa isang online Q&A sa kanyang Instagram page.
“Babalik ka pa ba mag host sa PBB?” tanong ng netizen.
“Hindi na po siguro, I think they are doing good with their hosts now,” tugon ni Mariel kasabay ng paggamit ng larawan sa background kasama sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez – na kanyang mga kasamahan noon sa pagiging host ng PBB.
Gayunpaman, binanggit niya na palaging ibibigay sa kanya ng PBB ang “the best memories.”

Unang nagkatrabaho sina Mariel, Toni at Bianca bilang co-hosts ng PBB.
Makalipas ang ilang taon, itinuturing pa rin nila bilang matalik na kaibigan ang isa’t isa kahit na hindi na sila nagkakasama-sama.
Tinaguriang “Kuya’s Angels” noong nagho-host pa sila ng ABS-CBN reality show, inilalarawan ng tatlo ang kanilang relasyon na parang magkapatid sa totoong buhay.
Sina Mariel, Toni at Bianca ay kasal na ngayon kina Paul Soriano, JC Intal at Robin Padilla, ayon sa pagkakasunod-sunod. Pareho-pareho na rin silang ina ng kani-kanilang anak.
Naging usap-usapan naman ang pagiging magkakaiba ng opinyon ng tatlo pagdating sa usaping politikal.

Matatandaang pinabulaanan din ni Mariel ang akusasyong wala siyang imik noon sa usapin ng ABS-CBN shutdown habang hayagan naman ang kanyang suporta sa ‘fake white sand’ ng gobyerno.
“Hindi ako nanahimik. Hindi mo lang narinig yung way ko of standing up for them,” tugon niya sa isyu.
“ABS-CBN is my home, in my mind and in my heart… When the time is right, I will be back,” ito naman ang naging tugon niya sa isang fan ng matanong kung babalik pa ba siya bilang host ng noontime program na ‘It’s Showtime.’
Si Mariel, kasama ang asawang si Robin Padilla, ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mariel Padilla, hindi na kailanman babalik bilang ‘PBB’ host?
Source: Babaero Balita


0 Comments