Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Darryl Yap minamaliit umano ang mahabang pagta-trabaho ng ilang pinoy?

Dahil sa latest video na ginawa niya, Darryl Yap pinaratangan ng netizens na minamaliit ang marangal na pagta trabaho ng ilang pinoy


Viral muli ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap dahil sa paglalabas o pagdi-direk nito ng isang video kung saan kasama sina Juliana Parizcova at Senator Imee Marcos.

Ang naturang video ay ang ikatlo sa series of video na nilikha ni Darryl Yap para sa isang karakter na tinawag nilang si Len-len kung saan bida si Senator Imee Marcos.

Sa nasabing video pa nga ay mapapanood ang tila pang aasar nina Imee at Juliana kay Len-len dahil na rin sa pagta trabaho nito ng higit sa labin-walong oras.


Bukod sa tila ginawa nilang katatawanan ang pagta trabaho ni Len-len ay tila ba sinasabi rin nilang sinungaling si Len-len sa pagta trabaho nito ng ganoong kahabang oras, sa bandang dulo pa ng video ay mababasa ang sinabi nila na, “Anyone who claims to work 18 hours a day is either lying or stupid”.

Hindi nga nagustuhan ng ilang netizens ang naturang kasabihan na siyang ibinahagi ng naturang video na isinulat at idi-nerek ni Darryl Yap.

Tila ba ginawa umanong katatawanan ni Darryl Yap ang ilang pinoy na marangal na nagta trabaho, partikular na ang mga frontliners na nakipag-laban o patuloy na nakikipag laban ngayon sa sakit na Covid-19 para sa ating lahat.

Ang ilang netizens pa nga ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagta-trabaho ng higit pa sa labin-walong oras para lamang may kitain o matapos ang naka-atas na tungkulin para sa kanila.

“This is an insult. I’ve experienced working for almost 24hrs and that’s not a joke. It’s not stupidity or lying when you work for your countrymen. The audacity,” pakli ng isang netizen na nainis sa pagiging insensitive umano ng direktor.

Ang naturang video ay ibinahagi ni Senator Imee Marcos sa kaniyang facebook page at nagbigay pa ito ng isang disclaimer sa caption kung saan sinasabing hindi ito isang political content.

Ngunit tila natamaan ang ego ni Darryl Yap dahil na rin sa pagsasalita ng ilang netizens na huwag niyang gawing katatyawanan o tawaging stupid ang mga pinoy na marangal na nagtatrabaho.

Sa kaniyang facebook page ay tila inamin niyang ang ginawa niyang video ay isang direktang pag-atake kay Presidentiable candidate Leni Robredo, sa kabila ng pagsasabi ni Imee Marcos na hindi ito related sa politika.

Sa nasabing post niya ay tahasan niyang sinasabi na hindi mananalo sa eleksyon si Leni Robredo, kahit pa ang mga individual na netizens lamang ang nagalit sa pangmamaliit niya sa mga nagta trabaho.

“a Satire made KAKAMPINKS cry, they treated LENLEN = LENI. you can troll my account, you can twist my statements, you can maliciously cut tweets, you can cancel me all-you-can, you can make me look bad. you can recruit haters to bash me. but 3 truths will hurt you everytime you breathe.

“1. 18 hours per day everyday will kill you. 2. You can’t fight my #LenLen content 3. Leni Robredo will never be president. your Hate will not translate to Votes. IYAK.,” post nito.

Samantala pinagtawanan naman ng netizens ang tila pagkaka-sunod di-umano ni Yap sa sarili niyang kasabihan dahil sa isang lumang post niya kung saan sinasabi niyang 29 hours straight siyang mulat, kaakibat ang hashtag ng pelikula niyang Jowable.

Tila ipinakakahulugan umano ni Darryl sa naturang post niya base sa kumento ng netizens na nagtrabaho siya ng 29hours, higit pa sa 18 hours na bahagi ng content niya.

Pakli tuloy ng ibang netizens na tila ba tinawag na rin ni Darryl ang sarili bilang stupid dahil sa pagta trabaho niya ng ganoong kahaba.



Darryl Yap minamaliit umano ang mahabang pagta-trabaho ng ilang pinoy?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments