Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lovi Poe, nakatanggap ng birthday surprise mula sa cast at crew ng kanyang bagong serye

Nakatanggap ng birthday surprise si Lovi Poe mula sa cast and crew


Nakatanggap ng birthday surprise ang aktres na si Lovi Poe mula sa cast at crew ng iWantTFC series na ‘Sleep With Me’ sa kanyang ika-33 taong gulang na kaarawan nitong Biyernes, February 11.

Sa isang short clip na in-upload sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment, nasorpresa si Lovi sa birthday cake na handog ng kanyang mga co-stars, kabilang si Janine Gutierrez, at ng production crews habang nasa taping para sa upcoming series.

Nagsimula nang gumulong ang produksiyon para sa ‘Sleep With Me’ ngayong linggo.


Ang bagong serye, na ididirek at sinulat ni Samantha Lee, ay tungkol sa isang inter-abled queer female romance sa pagitan ng isang wheelchair-bound radio DJ (Janine) at isang babae na may sleep disorder (Lovi).

Bukod sa Sleep With Me, kasalukuyang naghahanda na rin si Lovi para sa upcoming series nila ni Piolo Pascual na Flower of Evil.

Ito ay Philippine adaptation ng hit Korean series na may parehong pamagat, na pinagbidahan nina Lee Joon-Gi at Moon Chae-Won.

Iikot at istorya sa isang lalaki na sinubukang itago ang kanyang baluktot na nakaraan mula sa kanyang asawang detektib — hanggang sa matuklasan niya ang kanyang mga sikreto habang sinisiyasat ang isang serye ng mga hindi maipaliwanag na pagpatay.

Ang Flower of Evil at Sleep With Me ay parehong wala pang eksaktong petsa kung kailan mapapanood.



Lovi Poe, nakatanggap ng birthday surprise mula sa cast at crew ng kanyang bagong serye
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments