Pinasalamatan ni Donny ang kaniyang ka loveteam na si Belle sa pa birthday surprise nito para sa kaniya
Isang munting sorpresa ang natanggap ng aktor na si Donny Pangilinan ng magdiwang ito ng kanyang ika dalampu’t apat na kaarawan nitong Huwebes, February 10.
Sa kanyang Instagram Stories update, nagpasalamat ang aktor ang kanyang onscreen partner na si Belle Mariano para sa sorpresa, na nangyari sa set ng kanilang hit series na He’s Into Her.
Nagpasalamat din si Donny sa lahat ng nakaalala at nagbigay pagbati sa kanyang kaarawan.
“THANK YOU FOR ALL THE GREETINGS. I LOVE YOU GUYS. BLESSED TO BE A YEAR OLDER,” wika niya.
Samantala, bukod kay Belle, tiniyak din ng ina ni Donny na si Maricel Laxa na ipagdiwang ang espesyal na araw ng aktor sa pamamagitan ng pagbisita sa kanya sa set ng He’s Into Her.

“My birthday boy! Walang distansyang malayo para sa minamahal ko. Pero social distancing at ingat bilang respeto sa mga naka-lock in din tulad niya,” saad ni Maricel.
“Sa lahat na sumusuporta at nagmamahal kay Donny, maraming salamat. I thank you all for all your greetings and special gestures of love. I am still in awe at what the Lord is doing to him and through him. It is a joy and a privilege to celebrate today – Donny’s birthday. I am truly humbled to call him my son. My heart is full. Happy Birthday Donny!” dagdag pa niya.
Nagsimula na ang produksiyon para sa ikalawang season ng He’s Into Her noong nakaraang linggo. Ang romance-comedy series, na batay sa mga libro ni Maxine Lat, ay unang ipinalabas noong Mayo 2021 sa iWantTFC, na pinagbibidahan ng breakout tandem nina Donny at Belle, na mas kilala bilang “DonBelle.”
Kasama rin sa cast sina Kaori Oinuma, Joao Constancia, Vivoree Esclito, Ashley del Mundo, Criza Taa, Limer Veloso, Dalia Varde, at Gello Marquez. Ang serye ay sa ilalim parin ng direksyon ni Chad Vidanes.
Sa ngayon ay wala pang anunsiyo kung kailan ipapalabas ang ikalawang season ng ‘He’s Into Her.’
Kasalukuyan naman itong napapanood sa streaming platforms na iWantTFC at Netflix.
Ang tagumpay ng “He’s Into Her” ay hindi napigilan mula nang ipalabas ito noong Mayo, dahil maraming mga tagahanga at netizens ang nawili sa kwento mula simula hanggang katapusan, na nagsilbing batayan upang maging numero unong pinakapinapanood na serye sa streaming platform na iWantTFC.
Donny Pangilinan, nagpasalamat kay Belle Mariano sa kanyang birthday surprise
Source: Babaero Balita


0 Comments