Inamin ng aktres ng ‘The Goodbye Girl’ na si Barbie Imperial na kadalasan ay siya ang nag-iinitiate ng pakikipaghiwalayan sa mga nakaraang relasyon n
Inamin ng aktres ng ‘The Goodbye Girl’ na si Barbie Imperial na kadalasan ay siya ang nag-iinitiate ng pakikipaghiwalayan sa mga nakaraang relasyon niya.
Matapos kumpirmahin ang breakup nila ni Diego Loyzaga noong nakaraang buwan, naging tutok naman ngayon si Barbie Imperial sa trabaho at papo-promote ng kanyang pinakabagong proyekto na The Goodbye Girl, kung saan kapareha niya ang dating MYX VJ-turned-actor na si Turs Daza. Ibinahagi ng Kapamilya aktres ang kanyang mga personal na pananaw sa pakikipagkalas sa isang relasyon sa mediacon para sa bagong serye ng iWantTFC.
“I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga. Kasi para saan pa ako mag-se-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?” saad niya.
Inamin din ng 23-year-old actress na sa mga past relationships niya ay siya ang kadalasang nagsisimula ng breakup.

“Based on experience, ako din ang nag-gu-goodbye. Some hindi pero nung nag-grow na ako na-realize ko na maganda rin pala na nag-gu-goodbye ka ng maayos kahit gaano pa kasakit.
“Kasi pumasok ka sa relasyon pinaalam mo eh. So alis ka ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila yung tama. May mga umaalis na napagod.
“May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. Yung pag umalis ka dahil mahal mo na yung sarili mo,” dagdag niya.
Marami rin daw napulot na aral si Barbie sa kanyang The Goodbye Girl co-star na si Angelica Panganiban, na laging bukas sa mga usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon. Sa katunayan ay mas confident daw si Barbie na magsalita dahil kay Angelica.

“Si ate Angge talaga lahat ng desisyon ko sa buhay iti-text ko talaga siya. Kahit sa skin care, sa ganito, sa ganyan iti-text ko siya. Feeling ko naambunan na ako. Paambon ni Ms. Angelica Panganiban,” pag-amin niya.
Nang tanungin kung maaari siyang magbahagi ng anumang tagubilin para sa mga naiwan sa isang relasyon, nagbigay ng payo si Barbie.
“Siguro ang mapapayo ko dun sa mga iniwan, i-take mo lang yung lahat ng time para mag-heal. Hindi mo kailangan madaliin and pag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituloy tuloy mo lang. Yung healing naman kasi hindi siya tuloy tuloy. May mga days pa rin na paakyat ka na bababa then tataas. You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So dun sa experience na yun may makukuha tayo so okay lang na masaktan. Tao ka lang naman,” pahayag niya.
Panoorin sina Barbie Imperial at Turs Daza sa “The Clueless Girl” episode ng The Goodbye Girl na mapapanood na ngayong Araw ng mga Puso.
Barbie Imperial, may inamin tungkol sa pakikipaghiwalay
Source: Babaero Balita


0 Comments