Kahit na kaibigan niya pa ito, hindi ikinatuwa ni Xian Gaza ang pang-mamaliit ni Darryl Yap sa mga manggagawang pinoy
Sa kaniyang facebook account ay naglabas ng kaniyang saloobin ang self proclaimed pambansang marites na si Christian Albert Gaza sa mainit na isyu ng kaibigang si Darryl Yap.
Kamakailan lamang kasi ay inilabas ni Darryl Yap ang panibagong video sa kaniyang Len-len series, isang video series patungkol sa isang babae na ang pangalan ay Len-len, kasama pa sa video si Senator Imee Marcos.
Sa nasabing video nga ay tila ginawang katatawanan ni Imee Marcos, isang babaeng kasama niya at maging si Juliana Parizcova si Len-len dahil sa pagta-trabaho nito umano ng higit sa labin-walong oras.
Mapapanood nga sa video na nagdi-diskusyunan ang tatlo at pinag-uusapan ang pagta-trabaho ng paksa nila na si Len-len ng mahigit sa labin-walong oras kaakibat ang kasabihan kung saan tinawag pa nila itong estupido; “Anyone who claims to work 18 hours a day is either lying or stupid”.

Maraming netizens ang umalma sa naturang video na siyang isinulat at idinerek ni Darryl Yap dahil sa pagtawag na sinungaling o estupido sa mga marangal na nagta-trabaho ng higit sa labin-walong oras.
Maging si Xian Gaza nga na siyang kilalang kaibigan din ni Darryl Yap ay nagsalita at hindi ikinatuwa ang naturang insensitive remark na ginawa ni Darryl.
“Kahit matulog ako 18 hours a day… kahit tumambay ako for 18 consecutive days… kahit magbakasyon ako for 18 weeks… kikita pa rin ako ng milyones pero never kong i-invalidate yung mga taong nagtatrabaho ng higit disiotso oras kada araw para lamang i-prove yung point ko sa pulitika,” panimula ni Xian sa kaniyang post.
Matapos nito ay sinabi ni Xian na kahit pa kaibigan niya si Darryl ay hindi naman niya tatapusin ang pagkakaibigan nila, ipinunto nito na sa kabila niyon ay maling mali ang ginawa ni Darryl.

“Hindi tama. Very wrong. “Eh Xian, ‘di ba tropa mo si Darryl Yap?”, Kahit kaibigan o kakilala pa kita, ang mali ay mali. Pero hinding-hindi ko tatapusin ang ating pagkakaibigan nang dahil lamang sa isang opinyon na hindi ako sang-ayon.
“Ang tunay na tropa ay ico-correct ka sa mga panahong nawawala ka sa tamang hulog,” pagpupunto pa ni Xian Gaza.
“Masyado lang nadala sa init at hype ng pulitika. Sa kagustuhang banatan ang kalaban, nasagasaan pati ang mga ordinaryong mamamayan.
“If you want to sway public opinion in favor of you, first and foremost, huwag na huwag mong aatakihin yung public mass base dahil mapapawalang-saysay yung punto mo kahit gaano pa kaganda ito.
“The very purpose of political campaign on social media is to persuade your followers na iboto yung manok mo. Paano mo sila dadalhin sa panig niyo kung aapakan mo ang kanilang pagkatao?
“If you want to be very persuasive, kailangan mong maging sensitive sa target market mo. Hindi pwede yung sige hala wala akong pake sa sasabihin ng iba. Sayang lang,” sunod sunod na kumento pa ni Xian Gaza.
Kilalang Marcos ally si Darryl Yap na siyang sumusuporta sa kandidatura nito sa pagka-pangulo, ang ilang recent videos na ginawa niya ay tila ba ini-uugnay ng netizens patungkol sa paninira umano niya kay VP Leni Robredo na katunggali ni Marcos.
Xian Gaza hindi ikinatuwa ang pang-mamaliit ni Darryl sa trabahador; “Ang mali ay mali!”
Source: Babaero Balita


0 Comments