Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Diego Loyzaga: “I’m trying to beg her na bigyan ako ng isa pang chance”

Sa isang interview ay natanong si Diego Loyzaga patungkol sa pag-ibig kung ipaglalaban niya ba ito kahit na nagkaroon na ng lamat


– May sagot si Diego Loyzaga kung naka-relate nga ba siya sa kanyang karakter sa paparating na pelikula niyang ‘The Wife’ under Viva Films

– Marami naman ang nag-abang para sa press conference ng kanyang pelikula kasama si Louise delos Reyes at dito ay pinukol siya ng iba’t-ibang katanungan

– Tila totohanan naman niyang sinabi na ipaglalaban niya ang kanilang relasyon kung kaya pa base sa kanyang sagot sa isang panayam


Maraming netizen ang nag-abang para sa pinakabagong film offering ng Viva Max na ‘The Wife’ kasama si Louise delos Reyes at ang kontrobersyal na aktor ngayon na si Diego Loyzaga. Hindi rin nakaligtas ang aktor sa mga katanungang ibinato sa kanya sa press conference ng bago niyang pelikula na nakatakdang ipalabas sa Viva Max ngayong February 11.

Gagampanan kasi ni Louise ang karakter ni Mara, isang mabait na asawa ni Cris na hawak naman ni Diego. Nang tanungin siya kung naka-relate ba siya sa lalaking nag-cheat sa kanyang asawa, may sagot si Diego na tila may pahiwatig na may kinalaman ito sa buhay niya ngayon.

“Sa leukemia part hindi ako naka-relate.” sagot ni Diego. “Sa part na, ‘if kaya pang bigyan ng pagkakataon para ayusin’, although nag-cheat kasi ang character ko, talagang make the effort.

“Totoo talaga ‘yon, na ipaglaban kung kaya pa. Ang hirap lang kasi na ako ang nakagawa ng mali. I’m trying to beg her na bigyan ako ng isa pang chance.” pagpapaliwag pa niya.

“But I didn’t even get to do that, kasi nagkasakit ako. So, parang ako ‘yung nasa loosing side, na all the focus is on me, on my character.”

May dugtong na sagot pa nga ang aktor patungkol sa karakter niya sa ‘The Wife’, “Well I learned nga na kung gusto talaga, if you wanna see the brighter side of things, love does conquer all talaga. Louise character shows love.

“Dumating nga sa point na ang mga ex, ko magkasama sa isang bahay. That’s how I learned from it. Ganun ang mga similarities na nakita ko sa sarili ko.”Dagdag pa ni Diego, kung kaya pang ilaban ang isang relasyon, ilalaban niya pa ito.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin na ni Barbie Imperial na hiwalay na sila ng kasintahang si Diego Loyzaga matapos lamang ang higit isang taong relasyon.

Hindi naman na nilinaw pa ni Barbie ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Diego at sinabing ang sarili naman na muna niya ang kaniyang mamahalin.



Diego Loyzaga: “I’m trying to beg her na bigyan ako ng isa pang chance”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments