Ano nga bang gagawin nina McCoy at Elise ngayong Valentine’s Day?
Nagkwento ang bida ng “The Goodbye Girl” na si Elisse Joson tungkol sa kanyang abalang career bilang aktres kasabay ng kanyang pagiging magulang sa anak na si Felize.
Noong una niyang nalaman na makakapareha niya ang aktor na si Joshua Colet sa bagong iWantTFC series na The Goodbye Girl, sinabi ni Elisse Joson na masaya siya na sa wakas ay magkakatrabaho na sila pagkatapos nilang magsimula sa industriya nang sabay.
Sa “The Legally Blind” episode ng bagong digital series, ginagampanan ni Elisse ang papel ng bride-to-be na si Julia na umaasa parin na maaayos ang kanyang relasyon pagkatapos malaman na niloloko siya ng kanyang kasintahang si Ean (Joshua).
“Matagal na kaming magkakilala ni Joshua. When we were starting, magkasama na kami sa workshops and all. And then ngayon nga lang kami nagkatrabaho which is nice kasi since matagal na nga kami magkakilala, madami lang ang naging flow. Nagkamustahan kami. Sa set there was no kapaan.

“Lahat kasi ng nandun sa set, everybody was so maalaga and friendly. Si direk Derick (Cabrido) magaan siya katrabaho and he was very clear about instructing. Pero he also gave us the freedom to just do our own thing,” ibinahagi ni Elise sa mediacon ng The Goodbye Girl.
Sinabi ng 26-year-old actress na naging mas madali para sa kanya na gampanan ang kanyang papel sa serye nang hindi bumabase sa personal na karanasan dahil na rin sa unibersal nitong tema tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
“Depende kasi talaga sa anong kailangan sa eksena. So sometimes when I feel like I can use my personal experience, I would use it to my advantage.
“And sometimes kung matagal na kasi yung experience na yun, ang hirap na ipa-resurface. So sometimes it doesn’t work. Pag ganun, I’ll use other methods that I can para magawa yung eksena. Pero totoo naman na nagagamit yung personal experience and maganda pag nagamit talaga,” paliwanag niya.

Para naman sa mga maaaring maka-relate sa kanyang karakter na bulag sa pag-ibig, nagbahagi si Elisse ng ilang payo sa pakikipagrelasyon.
“Ang logical na explanation na naiisip ko lang kasi parang we love through our heart. So minsan hindi na nagagamit talaga yung mata natin. For the ladies and also for the men who go through the same thing that my character went through, madaling sabihin na umalis ka na lang kung hindi ka pinapahalagahan pero mahirap gawin. I know that there’s always a better love kung hindi ka naman pinapahalagahan kung saan ka ngayon. Very cliche but even if you’re not in a relationship or you are in one, it is better to start with loving yourself talaga. Yun lang,” bahagi ng aktres.
Isiniwalat din ni Elisse kung paano nila karaniwang ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso taun-taon ng nobyo at tatay ng anak niyang si Felize na si McCoy de Leon.
“Siyempre I feel like meron akong sariling way to make him feel special and sana siya din meron (laughs). I can’t share much because what we do for Valentine’s is, we don’t really plan it na alam namin pareho. We have our own secret planning. I look forward to spending time with him lang. Kahit ano naman ang maplano namin, I just really look forward to the time together kasi iba pa rin yung kayong dalawa now that we have a kid,” pag-amin niya.
Ang The Goodbye Girl ay magsisimulang mag-stream sa Pebrero 14, na may bagong episode na ipapalabas araw-araw sa iWantTFC app at website.
Elisse Joson, naglahad ng plano nila ni McCoy de Leon sa Valentine’s Day ngayong taon
Source: Babaero Balita


0 Comments