Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Marcoleta, naniniwalang hindi nila ipinasara ang ABS-CBN: “hindi naman natin ipinasara”

Nagpaliwanag si Rodante Marcoleta patungkol sa mga bumabatikos kay Toni Gonzaga ngayon


Ayon kay House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, na isa sa mga hindi pabor na bigyan ng panibagong franchise ang Kapamilya Network, hindi talaga nila tinanggalan ng buhay ang ABS-CBN ngunit ginawa lang nila ang tinatawag nilang “tungkulin.”

Hindi rin siya nagpatinag nang depensahan niya ang kontrobersyal ngayong artista ng ABS-CBN na si Toni Gonzaga na dating bahagi ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” bago ito mag-“back-out” sa nasabing programa.

Aniya, trabaho lang ni Toni ang ginawa niya at sinabihan pang “professional” ang aktres na sumanib sa mga nagpasara sa tahanang network nito.


“Si Ms. Toni Gonzaga, trabaho niya ‘yun. Kilala naman natin siya, professional siya, ‘yun ang gawain niya.” ani Marcoleta.Napatanong pa siya kung bakit naman daw “idinidikit” ang trabaho ni Toni sa pagho-host niya sa BBM-Sara proclamation rally, “Bakit kinakailangan ikapit ‘yung trabaho niya doon sa diwa nung kaganapan doon?” nagigisang tanong niya.

Hindi rin napigilan ng representative na sabihing inaakala lang daw ng lahat na siya ang nagpasara sa ABS-CBN. “Yun ay isang proclamation rally, para bang pinasasama pa siya. Lalo na noong pinapakilala niya ako, ang buong akala naman ng mga naininira sa kanya, ako raw ang nagpasara ng ABS-CBN,” pagsusubok niyang “linawin” ang “katotohanan.”

Hindi pa diyan nagtatapos ang komento ni Marcoleta at dinagdagan pa ng, “Dapat habaan nila ‘yun (kanilang) pang-unawa, hindi naman natin ipinasara – ang ginawa nain ay pagtupad sa tungkulin natin.” sabi niya na hindi natin alam kung totoo nga ba o hindi.

Matatandaang sinabi ni Marcoleta noong 2020 na ang ginagamit na frequency ng ABS-CBN ay ipamimigay sa “mas deserving” bago pa magkaroon ng halalan ngayong 2022 na siya namang nangyari na. Ipinamigay na ng gobyerno ang frequency ng Kapamilya Network kay Manny Villar.

“Pano kung may binigyan na ang gobyerno? Anong franchise pa ang ibibigay mo sa kanya (What if the government gives the franchise to another media company? What franchise are you going to give to ABS-CBN)?” sabi ni Marcoleta noong 2020.

Sinabi rin ng ilang mambabatas noon na maaari pa ring iapela ng ABS-CBN ang desisyon ng panel o muling mag-aplay para sa prangkisa hangga’t naihain ang mga panukalang batas para dito.

Ngunit hindi naman sumang-ayon si Marcoleta patungkol dito.”I cannot speculate. It’s up to them (ABS-CBN) what’s their next move. As for them filing another bill, there’s no way. Why would you process the application from the same organization when it was rejected already?” saad pa niya.

Matatandan muling binatikos siya ng mga netizens nito lamang mga nakaraang buwan matapos ilagay ang kanyang political ad sa Kapamilya Online Live, isang channel ng ABS-CBN sa YouTube.

Si Marcoleta ay kabilang sa mga pinaka-vocal na mambabatas na tumutol sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.



Marcoleta, naniniwalang hindi nila ipinasara ang ABS-CBN: “hindi naman natin ipinasara”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments