Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice Ganda rumesbak sa nagpapakalat ng fake news sa kanila ni Toni; “Ang Evil!”

Hindi pinalagpas ni Vice Ganda ang fake news Tiktok video na kumakalat ngayon


Nag viral kamakailan sa Tiktok ang isang video kung saan ipinakikita ang isa screenshot ng di-umano’y newly uploaded video ng unkabogable star Vice Ganda.

Ayon sa nasabing video ay tila inaaway umano ni Vice Gandaang magkapatid na Gonzaga na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga at may caption pa na; “Galit na galit si Vice Ganda”.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap ni Toni Gonzaga matapos nitong mapagpasyahang umalis sa Pinoy Big Brother at i endorso ang team ni Bongbong Marcos ngayong halalan.


“Right now I’m not so GV (Good Vibes),” ang mapapanood sa naturang video na sinabi ni Vice Ganda habang nakasuot pa ito ng pink na damit, kaakibat naman ang mga litrato ni Toni Gonzaga na kuha mula sa pagho-host niya sa kakatapos lamang na Uniteam rally ng Marcos-Sara tandem.

Tila marami ang agad na naniwala sa naturang video kahit pa halata namang edited ito at kinuha lamang mula sa mga nakalipas na video uploaded ni Vice Ganda.

Sa katunayan pa nga ay ang naturang video ni Vice Ganda ay mula sa kaniyang April 08, 2021 YouTube video uploaded na isang choppy choppy prank niya sa kaniyang mga kaibigan at hindi related sa Gonzaga sisters.

Kaya naman sa kaniyang twitter account ay hindi pinalampas ni Vice Ganda ang naturang panlilinlang ng ilang tao sa iba para lamang magpalaganap ng pagkagalit sa kanila.

“Andaming fake news at wrong informations sa TikTok! Haaaay!!!! Mga contents na pagaawayin ang mga tao. Uudyokin kayo para magalit. Andaming masamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima,” unang tweet nito.

Sa sumunod na tweet naman niya ay tinawag niyang evil ang gumagawa ng kagayang video na pinuna niya at gumagawa ng pekeng balita.

“Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng ibat ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video.

“Ang evil! Tapos yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama. Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan,” pangalawang tweet niya.

Matatandaan ngang magkakaibigan sina Alex Gonzaga, Toni Gonzaga at Vice Ganda patunay pa dito ang ilang vlog na magkakasama sila, maging sa pelikula ay nagsama na sina Toni at Vice sa ‘This Guys in Love with you Mare’, at ni Alex sa ‘The Amazing Praybeyt Benjamin”.



Vice Ganda rumesbak sa nagpapakalat ng fake news sa kanila ni Toni; “Ang Evil!”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments