Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Iba pang detalye sa non-showbiz boyfriend ni Maymay, nahalungkat

Sino nga ba ang bagong boyfriend ni Maymay Entrata?


Sinurpresa ng aktres na si Maymay Entrata ang kanyang mga tagahanga at kasamahan sa showbiz ngayong Araw ng mga Puso nang ipakilala niya sa social media ang kanyang boyfriend.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng “Amakabogera” singer ang isang larawan ng kanyang sarili na nakikipag-cozy up sa kanyang boyfriend, na tila banyaga. Mayroon itong maikling caption na: “Happy Birthday my Valentino.”

Agad na dinagsa ang nasabing post ng daan-daang komento mula sa followers ni Maymay, kabilang ang mga kaibigan niya sa showbiz, na pare-parehong nagpahayag ng kanilang kaligayahan para sa aktres.


“MAYMAY I LOVE YOUUUU!! YOU DESERVE TO BE HAPPY. 🥺 SANA OL!!!!!!!!!! komento ng sikat na vlogger na si Mimiyuuh.

“OMG!!! Hala! Ngiga sa pagkagwapa sa akong miga oi! Grabe man na. Maka happy mana miga! Happy Vday miga!” pagbati naman ni Kim Chiu.

Ang iba pang nag-react sa larawan ay sina Maja Salvador, Janella Salvador, Dimples Romana, Bianca Gonzalez, Elisse Joson, McCoy de Leon, Chie Filomeno, Jayda Avanzado, at Angelica Panganiban.

Abril noong nakaraang taon nang unang ihayag ni Maymay ang kasalukuyang estado ng kanyang puso sa isang panayam sa fashion magazine na Mega.

Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga-suporta,” aniya.

Ganun din ang naging pag-amin niya noong Hulyo 2021, nang mapag-usapan ang mga tsismis na romantikong nag-uugnay sa kanya sa kanyang onscreen partner na si Edward Barber, gayundin sa aktor na si Donny Pangilinan sa talk show na Hotspot.

Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man… Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” wika niya noong mga panahong iyon.

Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry. Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako.”

Nilinaw pa ng aktres na hindi kasamahan sa industriya ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” pag-amin niya noon.

Di naman nakaligtas ang twitter user na nagngangalang A (@aahaskell) kung saan nagpost ito ng picture ni Maymay na kumakain, isang araw bago ang Valentines day.

Kapansin-pansin rin ang post nito noong October 2021, kung saan makikitang tumugon ang aktres.



Iba pang detalye sa non-showbiz boyfriend ni Maymay, nahalungkat
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments