Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice Ganda dedma sa mga nega comments sa kasal nila ni Ion, next target ang magka baby?

Dedma lamang si Vice Ganda sa mga nega comments patungkol sa pagpapakasal nila ni Ion Perez


Nitong nagdaang mga araw lamang ay binulabog nina Vice Ganda at Ion Perez ang lahat sa balita ng kanilang pagkaka-kasal nitong nakaraang taon.

Sa kaniyang YouTube channel ay ibinahagi ni Vice Ganda ang ilang kaganapan sa seremonya at pagpirma nila ni Ion ng kanilang certificate of commitment.

Dito nga ay mapapanood ang labis na kasiyahan sa mga mata ni Vice Ganda lalo pa’t isa ito sa mga pinapangrap ng ilang netizens partikular na ng ilang gay peoplr kagaya ni Vice.


Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi pa ng kaniyang mensahe si Vice kaakibat ang ilang litrato pa nila ni Ion; “Thank you very much for the overwhelming love that you have been sending us. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day!!!,” caption ni Vice at nagpapasalamat sa marami.

Marami ang natuwa kina Vice Ganda at Ion Perez sa kaganapang ito ngunit hindi rin naman mawawala ang ilang nega pagdating sa ganitong balita.

May mangilan-ngilan nga na netizens ang nagbabahagi pa ng ilang salita mula sa bible at hindi ikinatutuwa ang mga pangyayari.

Ngunit kagaya ni Vice ay dedma ang karamihan dito, ang ilan pa nga’y ipinagtatanggol ang dalawa at sinabing hayaan silang maging masaya lalo’t wala naman silang inaagrabyadong ibang tao.

Samantala ngayong natupad na ang isa sa mga pangarap ni Vice na makasal at makasama ang pinakamamahal niya na sa katauhan nga ni Ion ay tila isa na lamang ang kulang, ito ay ang magka-anak siya at bumuo ng sariling pamilya.

Matatandaang sa mga nakalipas na buwan ay natanong na rin si Vice patungkol sa paksang ito at nagbahagi siya ng kaniyang opinyon.

“Kino-consider ko na talaga siya(Bumuo ng pamilya). Gusto ko na maging parent. Kasi dati, sabi ko, ‘No, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. 

“Tapos eventually nag-grow sa akin yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat ang target ko, para ito sa mga bata. Feeling ko I can be a great parent. Nararamdaman ko na sa sarili ko ‘yun,” pahayag nito sa isang panayam.

Naibahagi rin ni Ogie Diaz kamakailan ang pagbibigay suhestiyon niya kay Vice Ganda na magpa articial insemination upang magkaroon ito ng sariling anak.



Vice Ganda dedma sa mga nega comments sa kasal nila ni Ion, next target ang magka baby?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments