Sumuko na ang mga suspek na nagnakaw ng pera, alahas at laptop ni Gerald Anderson
Sa inilabas na report ng ABS-CBN News kahapon ay sumuko na ang dalawang suspek na sumira, bumasag at nagnakaw mula sa kotse ni Kapamilya actor Gerald Anderson.
Ayon sa report ng ABS-CBN News ay bandang hapon noong January 31, nang basagin at pagnakawan ng riding in tandem ang kotse ni Gerald Anderson.

Nakaparada lamang ang kotse ni Gerald sa harapan mismo ng establisyemento kung saan nag-g-gym ang aktor sa lungsod ng Quezon City.
Tinatayang mahigit sa kalahating milyon ng ari-arian ang ninakaw ng dalawang suspek kabilang ang ilang alahas, wallet at ang laptop ng aktor.
Ngunit sumuko rin naman ang mga suspek ng malaman nilang kay Gerald Anderson pala ang kotse na kanilang binasag at pinagnakawan.
Pag-amin ng mga ito na hindi naman talaga nila target si Gerald Anderson at nagkataon lamang na ang kotse niya ang siyang nakita nila.
Natanong naman si Gerald patungkol sa kung bakit nga ba siya nag-iwan ng mahahalagang bagay/gamit niya sa loob ng kaniyang kotse.

Hindi naman raw lubos akalain ni Gerald na mangyayari ang naturang bagay lalo pa’t nasa tapat lamang mismo ng pinto ng establisyementong kinaroroonan niya naka park ang kaniyang kotse.
“Kakauwi ko lang ng Maynila nung day na yun, so yung ano namin is.. parang.. ‘Ay nasa harapan naman ng establishment, nasa harapan siya mismo ng pinto.
“Kaya nung nakita ko sila (yung mga magnanakaw), grabe ang lalakas ng loob ninyo, kasi nasa harapan talaga ng pinto.
“But again its also, that’s why I want to make this an awareness para sa lahat ng tao na ‘wag talagang mag-iwan ng bags sa loob ng car ninyo,” ani Gerald.
Riding in Tandem na nagnakaw ng pera, alahas at laptop ni Gerald Anderson, sumuko!
Source: Babaero Balita


0 Comments