Tuluyan ng umalis ng pinas si James Reid at pumunta ng LA upang abutin ang pangarap niya sa larangan ng musika
Naka-alis na nga ang aktor na si James Reid na tumungo ngayon sa LA upang tahakin ang pangarap umano niya pagdating sa larangan ng musika.
Kahapon nga ay naging usap-usapan ang naganap na pa despedida party ng mga kaibigan niya para kay James Reid, ilang mga litrato pa nga ang ibinahagi ng mga ito.

Sa kaniyang Instagram account naman ay ibinahagi ni James Reid ang cake na para sa kaniya mula sa mga kaibigan niya at nakasulat pa rito ang “Bon Voyage and Good Luck James Reid!”

At sa kaniyang Instagram account naman ay ibinahagi ng Kapatid ni James Reid ang ilang kaganapan bago ito umakyat o pumasok sa eroplano.

Makikita sa larawan na yakap yakap niya ang aktor habang sila ay nasa airport. Sa video makikita naman ang pagkaway ni James bilang pamamaalam habang bitbit ang kanyang maleta.

Ilang masugid na tagahanga pa niya ang nagbahagi ng kani-kanilang kalungkutan dahil sa pag-alis na ito ni James Reid sa ating bansa.
(swipe left to watch the video)
Anong masasabi mo sa pag alis na ito ni James Reid?
Video ng pag-alis ng bansa ni James Reid, ibinahagi ng kaniyang kapatid
Source: Babaero Balita


0 Comments