Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dawn Chang pinalagan ang isang basher na sinabihan siyang wag makisawsaw sa politika

Sinagot ni Dawn Chang ang isang troll na [inagsabihan siyang huwag ng makisawsaw pa sa politika


Game na game na nakiki-pag bardagulan si Dawn Chang sa mga trolls na inaatake siya at pinagsasabihan siya ng iba’t-ibang masasakit na salita.

Ito ay matapos na maglabas siya ng kaniyang saloobin hingil sa pagpo promote ni Toni Gonzaga sa isa sa mga bumoto upang hindi na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, si Rodante Marcoleta.

Sa inilabas ngang saloobin ni Sawn Chang ay ibinahagi nitong nasasaktan siya bilang isang kapamilya artist na makitang sinusuportahan ni Toni si Marcoleta.


Matatandaang nagsimula ang karera ni Dawn Chang sa showbiz matapos na pumasok siya sa pinaka-sikat na bahay sa bansa na Pinoy Big Brother para sa 737 edition nito kung saan matagumpay siyang nakapasok sa Big 4 at naging 4th placer, ang show kung saan host si Toni Gonzaga.

Matapos nga ng matapang niyang paglalabas ng saloobin ay kabi-kabilang kumento na ang natanggap niya, kabilang na ang malisyosong kumento laban sa kaniya ni Cristy Fermin.

Sa kaniya namang twitter account ay nagbahagi siya ng panibagong saloobin niya patungkol sa mga bashers na tinatanggalan siya ng karapatan upang maglabas ng sariling saloobin.

“Pag ikaw ay isang “baguhang” artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan. – Toxic Filipino mentality,” sabi nito sa kaniyang tweet.

At gaya ng inaasahan ay magkakaiba ang reply sa kaniya, lalo na ang mga bashers na inaaway na rin siya, may ilan naman na pinagtanggol siya; “I stand with you Dawn. Do not ever get intimidated with this normalised toxicity in the Philippine showbiz industry,” ani ng isang fan niya.

Isang basher naman ang siyang sinabihan siya na manahimik na lamang at huwag makisawsaw sa politika lalo’t wala umano siyang fan base.

“Kung gusto mo magka career wag kang makisawsaw sa politika. Unless gusto mo mapansin at bayaran ang endorsement mo. Kaso sikat ka ba? May fan base ka na ba?,” ani ng basher.

Sinagot naman ito ni Dawn ng; “Kung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.”

Sinang-ayunan naman ni Dawn ang isang tweet ng fan patungkol sa mga trolls na inaatake siya; “Don’t worry dawn. These are trolls. Paid and without remorse or conscience. We just block and report them.”



Dawn Chang pinalagan ang isang basher na sinabihan siyang wag makisawsaw sa politika
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments