“Trabaho lang, walang personalan,” ang birong pahayag ni Sharon Cuneta patungkol sa pagkakapili sa kanya bilang bahagi ng upcoming US series na “Conc
“Trabaho lang, walang personalan,” ang birong pahayag ni Sharon Cuneta patungkol sa pagkakapili sa kanya bilang bahagi ng upcoming US series na “Concepcion,” na nagkataon ding dati niyang apelyido sa kasal.
Nagbahagi ng konting impormasyon si Sharon, na dating asawa ng kapwa niya beteranong aktor na si Gabby Concepcion, sa kanyang pagiging bahagi ng proyekto matapos ang pag-anunsyo dito bilang co-production ng ABS-CBN noong nakaraang linggo.
Tinukoy niya ang proyekto bilang “surprise #1” sa kanyang mga tagahanga, ngunit di na siya nagbigay pa ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang papel sa crime drama na nakasentro sa isang Pilipinong pamilya na namumuno sa Historic Filipino town o HiFi sa Los Angeles.
“I can understand why Sharon is so excited because it’s a very good role,” ito ang naging reaksiyon ni Ruel S. Bayani, head ng ABS-CBN International Production and Co-Production, sa naging post ni Sharon bago pa man ang official announcement ng kanyang casting.

“I’m very thrilled for her!” dagdag pa niya.
“She’s playing a major role at talagang ang ganda-ganda ng role, ang ganda ng script.” Ito naman ang maiksing pahayag ng Kapamilya executive tungkol sa role ng Megastar.
Si Sharon ay itinuturing na bilang showbiz pillar at ilang dekada na sa ABS-CBN. Kasalukuyang parte ng pangunahing cast ng primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ang aktres.
Tugon ni Ruel Bayani sa pagco-produce ng ABS-CBN sa “Concepcion”: “One of the reasons why also we were interested is, because, you know how much we love Sharon, how much we want to support her through this endeavor.
Ang ABS-CBN ay nakikipagtulungan sa Filipino-American actor na si Reggie Lee, Filipino-American film producer na si Jeremiah Abraham, at ang United States’ Only Human Productions para sa “Concepcion.”

“Filipino showrunners have been developing it for some time. Iyon naman ang uniqueness dito. ABS-CBN will be the local production company for the filming of the scenes here in the Philippines. We will be also helping them sa casting, with our Filipino actors and our Star Magic talents,” ayon pa sakanya.
Ang setting ng nasabing series ay iikot sa pagitang ng taong 1992 at 2020 at magtatampok ng mga eksenang kukunan sa Los Angeles at dito sa Pilipinas.
“This is just too special not be involved, not to be a partner, kasi ang ganda ng project,” wika niya.
Hindi lamang ito ang unang beses na makakagawa ang ABS-CBN ng International series, matatandaan ngang nauna na nila itong nagawa para sa hit series na ‘Almost Paradise’.
Ang ilan pang upcoming international series ng ABS-CBN ay ang ‘Cattleya Killer’ at ‘Sellblock’ na bahagi ng pagpapalakas ng ABS-CBN sa International scene at dahil na rin sa pagiging Biggest content creator nila sa ating bansa.
Sharon Cuneta, pasok sa major cast ng US series na co-produced ng ABS-CBN
Source: Babaero Balita


0 Comments