Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Yeng Constantino and Gloc-9, may ‘paliwanag’ sa nais iparating ng kanilang bagong kanta

Ibinahagi ng Pinoy rapper at songwriter na si Gloc-9 nitong linggo ang nakatakdang paglabas ng kanyang bagong single na “Paliwanag” kung saan tampok


Ibinahagi ng Pinoy rapper at songwriter na si Gloc-9 nitong linggo ang nakatakdang paglabas ng kanyang bagong single na “Paliwanag” kung saan tampok rin ang pop rock singer-songwriter na si Yeng Constantino.

Ang nasabing kanta ay nakatakdang ilabas sa darating na Biyernes, February 25. Ito ang kauna-unahang kanta ni Gloc-9 sa kanyang pagbabalik sa record label na Universal Records matapos ang kanyang dalawang taon bilang independent artist.

Ito rin ang pangalawang official collaboration ng rap icon kay Yeng matapos ang mahigit isang dekada. Una ng nag-collab ang dalawa noong 2011 para sa kantang “Bugtong” na mula sa acclaimed album ni Gloc-9 na ‘Talumpati.’


“Matagal tagal nang hindi nakasulat ng ganito,” caption ni Gloc sa kanyang Instagram post.

“Sinulat ko lang pero binuhay mo @yeng. Ang tagal ko nang iniisip kung makakatisod pa ako ng ganitong klase ng kanta ulit. Pero sabi nga nila parang regalo talaga kapag dumating! Excited na kaming madinig ninyo ang #paliwanag,” paliwanag niya sa kasunod na post.

Sa naganap na mediacon nitong Miyerkules, tahasang sinagot naman ng dalawa ang tanong tungkol sa kahulugan at ‘relevance’ ng kanta sa kasalukuyang sosyal at politikal na senaryo sa ating bansa.

“Nung sinulat ko ang “Paliwanag”, di ako nagsasalita bilang Gloc-9, rapper o celebrity. Triny ko lang din hukayin kung ano yung malamang na nararamdamang ng karamihan sa mga kababayan natin,” wika ni Gloc-9

“If you listen to the song, di ko din ini-exclude yung sarili ko pagdating sa pag-ako ng mga mistake sa nakaraan. Kasama ako doon. And ayon din naman lagi kong goal. I try not to be preachy sa mga kanta and kung meron man talaga akong gustong ihatid, kung ano talaga yung nararamdaman ko na malamang na nararamdaman din ng karamihan sa mga kababayan natin,” dagdag na paliwanag niya.

Ibinahagi naman ni Yeng ang naging impact sakanya ng kanta matapos niya itong mapakinggan sa unang pagkakataon. “Parang nag-strike sakin yung mga question na, at times we tend to blame other people. Pero at times, meron din tayong responsibility sa sarili natin. We have the power bilang mamamayan to decide.”

“Nung natanggap ko na yung final mix nito, pinapatugtog ko to lagi kapag papunta ako ng work, taping ng showtime at ASAP, pinapatugtog ko to lagi ng walang palya.

“Everytime lalo na dun sa pinaka passionate na part ng kanta which is yung sa huli. Talagang dere-deretso na at talagang naiiyak na ko. And yun yung gusto natin na impact.”

“I agree with kuya Gloc na we’re not here to preach to anyone kasi iba-iba tayo ng pinaniniwalaan, iba-iba tayo ng interpretasyon. Pero kung anuman yung maging interpretasyon ng mga tao sa kantang ito, may it lead to something beautiful and something na maghahango sa kanila kung saang dilim sila nandun,” dagdag na paliwanag ni Yeng.

“Sabihin mo / Darating ba ang araw / Na di ka takot iwanan ang mga mahal mo / Sa bahay na hindi sila
mababasa tuwing malakas ang bagyo / Darating ba ang araw na ‘di kailangang itago ang mga yapak mo / Kailangang lumayo yumuko mag pasawalang kibo / Pag tinatanong ang karapatan mo…,” ito ay ilan lamang sa mga katagang nakapaloob sa liriko ng kanta.

Abangan ang paglalabas ng “Paliwanag” sa lahat ng streaming platforms sa darating na February 18.



Yeng Constantino and Gloc-9, may ‘paliwanag’ sa nais iparating ng kanilang bagong kanta
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments