Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Chie Filomeno may matalinhagang tweet!, Si Dawn Chang raw ang pinaparinggan?

Si Dawn Chang nga ba ang pinatatamaan ni Chie sa nga tweets niya?


Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng iba’t-ibang tweet ang ex-pbb housemate na si Chie Filomeno na tila patama niya sa isang di pa pinapangalanang tao.

Sa unang bahagi ng kaniyang tweet ay ibinahagi nito na natatawa umano siya sa isang tao dahil sa laki ng galit nito ngayong may sumisira umano sa reputasyon niya gayong matagal na nitong ginagawa ito sa kaniya.

“Funny how you’re so mad someone is ruining your reputation, yet that’s what you’ve been doing to me for the longest time,” ang siyang eksaktong tweet ni Chie.


“Ayyyy, oo nga naman no chie,” reply ng isang fan sa naturang tweet niya na siyang ni-reply-an naman niya ng; “shattap na ako hahahahhaha”. Isang fan pa ang nagtanong ng; “yan ba yung laging naninira sayo since girltrend era pa? kahit nga nung nasa pbb ka pa? don’t worry, you have us,” na hindi naman sinagot ni Chie.

Ang tinutukoy ng naturang fan ay ang ‘Girltrend’ group na isang all female group ng It’s Showtime kung saan nakasama niya sina Dawn Chang, Loisa Andalio, Maris Racal at marami pang iba.

Sa sumunod na tweet pa ni Chie ay nagbahagi ito ng isang kasabihan patungkol sa huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo dahil tiyak na babalik ito sa iyo.

“Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako kbye,” ang siyang eksaktong tweet ni Chie.

Wala mang ibang pangalan na binanggit si Chie Filomeno ay marami ang siyang nagkakabit at nagsasabing marahil ay si Dawn Chang di-umano ang pinatutungkulan ni Chie sa mga tweets niya.

Matatandaan ngang nagkasama sila ni Dawn Chang sa ‘Girltrend’ at dito ay nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang dalawa kung saan may mga hindi magandang nasabi si Dawn kay Chie.

Sa isang panayam pa nga ay inamin ni Chie na hindi niya umano gugustuhin pang makipag-ayos kay Dawn Chang dahil sa laki umano ng lamat ng hidwaan o awayan sa pagitan nilang dalawa.

“Parang No na (to reconcile) Closed na. I want to be honest. No, no, no. Wala na e. Kasi grabe na yung lamat na nalagay so I’d rather not be plastic about it,” ang prangkang pag-amin ni Chie.

Samantala isang fan pa ang naglakas loob na magtanong patungkol sa naturang tweet niya; “So BBM ka Chie?,” na agad namang sinagot ni Chie ng “Nope, (pink ribbon emoji) ako”.



Chie Filomeno may matalinhagang tweet!, Si Dawn Chang raw ang pinaparinggan?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments