Tila kinilig si Xian Gaza matapos na makatanggap ito ng papuri mula kay Albie Casiño
Kinikilig na ibinahagi ng pambansang marites ng bayan na si Christian Albert Gaza sa kaniyang facebook account ang encounter niya kay Albie Casiño.
Ibinahagi kasi nito ang naging mensahe sa kaniya ni Albie Casiño na dahilan upang kiligin siya at napasabi pa na marahil ay si Albie Casiño ang nakatadhana sa kaniya.
Sa isang lumang post kasi ni Xian ay naibahagi niya ang kaniyang naranasan matapos na lapitan siya ng isang partido ng politiko upang i endorso niya.
“May lumapit sa akin… partidos ng isang presidential candidate. One post per week. 100K per post. My exact reply, ‘First of all, ang personal choice ko ay si Leni. Pangalawa, ‘yung 100K ay kinikita ko ng half-day ngayon. Do I look poor? So barya. Nakakainsulto.” sabi ni Xian.
Tila nakarating kay Albie Casiño ang naturang artcard at bilang isa sa masugid na Leni supporter ay marahil na ikinatuwa niya ang mga nasabi ni Xian Gaza.
Nagbigay mensahe nga si Albie kay Xian kaakibat ang naturang artcard at sinabi kay Xian na hater umano siya noon ngunit ngayon ay humanga siya sa itinuran ni Xian.

“Yo bro! I dunno if makikita mo to, but I just wanted to say na, I was hater before but napahanga mo ako now,” ang eksaktong mensahe ni Albie kay Xian.
Ibinahagi nga ni Xian Gaza sa kaniyang facebook account ang screenshot ng mensahe sa kaniya ni Albie at nagbiro pa na marahil ay si Albie ang tunay na nakatadhana para sa kaniya.

“Mukhang eto na! Siguro kaya hindi ko mahanap yung tamang babae para sa akin kasi kami talaga ni Albie Casiño ang itinadhana para sa isa’t-isa,” caption ni Xian sa kaniyang post.

Sa comment section pa ng naturang post ni Xian ay ibinahagi pa nito na ini-stalk umano niya ang IG story ni Albie at nakita niyang ibinahagi ng aktor ang naging usapan nila.
“Ini-stalk ko yung IG feed niya ngayon tapos bumibilis yung tibok ng puso ko. Normal ba yung ganito, guys? Parang mahal ko na…,” Ani Xian.
“FIND A MAN NA I-STORY KA,” sunod na kumento pa niya saka ibinahagi ang screenshot ng IG story ni Albie Casiño.

Xian Gaza kinilig sa naging mensahe sa kaniya ni Albie Casiño
Source: Babaero Balita


0 Comments