Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dating PBB Ex-housemate Rita Gaviola, Itinanghal na ‘Showtime Sexy Babe’ daily winner

Nagwagi bilang Daily winner sa Showtime Sexy Babe si PBB Ex-housemate Rita Gaviola na kilala rin bolang badjao girl


Ipinamalas ni Badjao Girl at “PBB Lucky Season 7” ex-housemate Rita Gaviola ang galing sa pagrampa at talino sa pagsagot sa mga katanungan sa pagkapanalo niya bilang daily winner ng “Showtime Sexy Babe” ng “It’s Showtime” nitong Huwebes (Peb.17). Ayon kay Rita, sumali siya sa contest para baguhin ang tingin ng mga tao tungkol sa mga Badjao.

“Gusto kong ipagmalaki sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao na katulad ko.Ipapagmalaki po namin yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.

“Kami, karamihang mga Badjao, nabu-bully dahil hindi nakapag-aral yung karamihan tulad po ng parents namin,” pagbabahagi niya.


“Maraming kabataan na tulad ko na magaganda ay hindi nakikita kasi nasa bahay lang sila. Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko?

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Kaya naman ako sumali para ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo ng ibang tao,” saad niya.

Ibinahagi rin niya ang mga nangyari sa kanya matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Pagkatapos ko lumabas ng “PBB,” nagback to school po ako para makahabol sa mga naiwanan kong subject tapos na-realize ko na pwede pala pagsabayin.

“Habang nag-aaral ako atleast may extra income ako at hindi ko na kailangan humingi sa magulang ko. Makakatulong pa ako sa kanila,” saad niya.

It

Bukod nga sa pagsali sa “Showtime Sexy Babe,” sinabi rin ni Rita na gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw. Samantala, dahil sa ipinamalas niyang kumpiyansa sa sarili at galing sa pagsagot ay napukaw niya ang loob ng Sexy Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, at RK Bagatsing at nakakuha ng 94.7% combined score para maging daily winner sa araw na iyon at babalik sa Sabado (Peb.19) para sa weekly competition.

Ang “Showtime Sexy Babe” ay ang bagong segment ng “It’s Showtime” kung saan mapapanood ang angking katalinuhan, talento, at ang taglay na kasesksihan na nagsisimula sa mga kalooban ng mga single na Pilipina, transgender, bisexual, lesbian of all shapes and sizes.

Sa naturang segment, dalawang contestants ang maglalaban-laban sa tatlong rounds na “Ooh La-Lakad,” kung saan rarampa sila sa stage suot ang kanilang mga bikini, ang “Hot-tanungan,” kung saan bibigyan sila ng isang tanong na kailangan nilang sagutin, at “Final Women-sahe, kung saan magbabahagi sila ng kanilang mga nagustuhan sa kanilang kalaban.



Dating PBB Ex-housemate Rita Gaviola, Itinanghal na ‘Showtime Sexy Babe’ daily winner
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments