Nagbigay ng kaniyang mensahe si James Reid sa tagahanga matapos na makalapag sa LA
Mainit na pagtanggap ang sumalubong kay James Reid mula sa kanyang fans nang lumapag ang kanyang eroplano sa Los Angeles, California.
Nagbigay ng maiksing mensahe naman si James para sa kanyang mga tagasuporta.

Sa isang Instagram video na ipinost ng fan account na si James Reid Royals, nagbahagi si James ng mensahe sa kanyang mga tagahanga.
“Kumusta Reiders at Royals. Nakarating ako ng ligtas. I’m out here in LA,” aniya sa video na na-record mula sa airport.
Noong Martes, Pebrero 15, nabulabog ang fans ni James matapos nitong magbahagi ng snapshot ng cake sa kanyang Instagram Stories na may mga salitang “Bon Voyage and Good Luck Jams Red (sic).”
Nagkaroon din ng isang send-off party kasama ang kanyang mga kaibigan bago siya umalis. Isa sa kanyang mga kaibigan na si Fiona Faulker ang nagbahagi ng larawan mula sa nasabing farewell party. “Mamimiss kita kuya,” caption nito.
Hindi pa kinukumpirma ni James ang layunin ng kanyang paglipad papuntang L.A. ngunit iniisip ng mga fans na balak nitong ipagpatuloy ang kanyang music career sa banyagang bansa.

Ang Australian-Filipino star ay pumirma sa artist management company na Transparent Arts, na nakabase sa Los Angeles, noong Oktubre 2020.
Ang nasabing kumpanya ay ang siyang namamahala sa career kabilang na ang Far East Movement, si Tiffany Young, at Yultron, bukod sa iba pa.
credit to James Reid Royals
James Reid, nagbigay mensahe sa fans matapos dumating sa Los Angeles
Source: Babaero Balita


0 Comments