Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Arjo Atayde, nagdiwang ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz

Sa ika-Sampung taon niya sa Showbiz ay bibida si Arjo Atayde sa isang International series


Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay inalala ng aktor na si Arjo Atayde ang ilan sa kanyang mga pinagdaanan sa industriya bilang pagdiriwang na rin sa kanyang ika-sampung taon sa showbiz.

Today marks the 10th year of my journey in showbiz. I remember day 1 as if it was just yesterday… 18 takes on my first ever scene and the director wanted to send me home lol. But here we are, 10 years later, surprisingly still here and still standing,” wika ng aktor sa kanyang caption sa Instagram.

Taong 2012 ng unang masilayan ang aktor sa pag-arte sa telebisyon sa teleseryeng ‘E-boy,’ na pinagbidahan noon ng child actor na si Bugoy Cariño. Matapos ito ay ilang beses ding bumida si Arjo sa ilang episodes ng longest-running drama anthology series na Maalaala Mo Kaya.


Kaparehong taon din ay nasungkit niya ang Best Male New TV Personality award sa naganap na PMPC Star Awards for Television para sa ‘Bangka’ episode ng MMK, at Best Single Performance by an Actor naman noong 2014 para sa kanyang pagganap bilang gay parent sa ‘Dos Por Dos’ episode.

Naging sunod-sunod naman ang bigating kontrabida role na natanggap ng aktor matapos ang kanyang kapuri-puring pagganap bilang Rafael De Lara sa daytime series na ‘Dugong Buhay’ kung saan natanggap niya ang parangal na PMPC Star Awards for Best Single Performance by an Actor. Nasundan ito ng Philippine remake ng hit Korean series na ‘Pure Love,’ at ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’ kung saan muli siyang pinarangalan ng PMPC.

Nakasama naman ni Arjo ang kanyang inang si Sylvia Sanchez ng bumida ito sa crime series na ‘Hanggang Saan’ noong 2017. Taong 2019 naman ng kinilala ng Autism Society Philippines ang kanyang sensitibong representasyon ng autism ng gampanan niya ang papel bilang Elai sa seryeng ‘The General’s Daughter.’

Naiuwi naman ni Arjo ang Best Actor Award mula sa 2020 Asian Academy Awards para sa kanyang pagganap bilang Benjo Malaya sa socio-political series ‘Bagman’.

Samantala, sa nasabing post ay inalala naman ng multi-awarded actor ang mga nakamabutihang-loob niya mula sa industriya sa nakalipas na sampung taon.

“More than the work I have been blessed with, I am grateful that the past 10 years have also blessed me with some of the best friendships and truest relationships I’ve had,” saad niya.

Sa kasalukuyan ay nakakasa na ang pagbida ni Arjo sa ‘Cattleya Killer’ na internationally produced ng ABS-CBN. Makakasama niya rito ang mga batikan at beteranong aktor kabilang na sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Jane Oineza, Jake Cuenca at maging ang kanyang kapatid na si Ria Atayde.

Ang ‘Cattleya Killer’ ay remake ng 1996 Star Cinema movie na ‘Sa Aking mga Kamay’ na pinagbidahan ni Aga Muhlach noon. Kasama rin sa cast sina Frances Makil, Ketchup Eusebio, Jojit Lorenzo, at Rafa Siguion-Reyna.

Sa huling parte ng kanyang post ay naghayag ng taos-pusong pasasalamat ang aktor sa lahat ng naging parte ng kanyang ‘acting journey’.

 “So to all of you who have been a part of this overwhelming journey, thank you for filling my years with love, friendship and inspiration. I am so blessed to get to do what I love and I’m still here for the same reason since day 1… I just want to act. “



Arjo Atayde, nagdiwang ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments