Ikakasal na ang kapamilya actress na si Erich Gonzales!
Sa inilabas na litrato ngayon ng entertainment website na Fashion Pulis ay ibinahagi nito ang isang litrato na kuha mula umano sa kanilang source.
Ang naturang litrato ay ang Marriage Bann o ang isang Papel anunsiyo sa isang simbahan upang maipaalam sa nakararami ang nalalapit na kasal.

Makikita sa naturang litrato ang ilang impormasyon katulad na lamang ng pangalan ni Erich Gonzales na Erika Chryselle Gancayco, maging ang pangalan ng mapapangasawang si Mateo Lorenzo.
Makikita rin sa naturang impormasyon na ngayong March 23 na ang nakatakda nilang pagpapakasal.

Si Erich Gonzales ay isa sa mga big star ng kapamilya network na kamakailan lamang ay bumida sa kakatapos lamang na teleseryeng La Vida Lena.
Taong 2018 ng unang ianunsiyo ni Erich Gonzales ang pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend at ito nga ay si Mateo Lorenzo na noong una ay hindi siya nagbibigay impormasyon patungkol dito.
Matatandaang taong 2017 naman ng maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan noon na si Daniel Matsunaga.

JUST IN: Erich Gonzales nakatakda ng ikasal?
Source: Babaero Balita


0 Comments