Bigtime! Megastar Sharon Cuneta nakatakdang gumawa ng isang Hollywood Movie
Bibida si Megastar Sharon Cuneta sa gagawing movie adaptation ng award-winning novel na “The Mango Bride” ng Filipina author na si Marivi Soliven.
Excited na ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang magandang balita sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Lunes, Pebrero 21.

“SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!! Please pray for this project to succeed. Ang dasal ko na ito ay makapagbukas ng pinto para sa ATING LAHAT sa industriya – SA WAKAS!” ani niya.
Ang “The Mango Bride” ay nailathala noong taong 2013, ng US-based Filipina author na si Marivi Soliven. Ang nobela ay nakasentro sa dalawang babaeng Pilipina — si Amparo, isang tahimik ngunit tanyag sa lipunan at nagmula sa isang mayamang pamilya, at si Beverly, isang mahirap na waitress — na ang buhay ay magkakaugnay nang lumipat sila sa Oakland, California upang doon bumuo ng bagong buhay.
Ang nobela ay nanalo ng Grand Prize sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, na itinuturing na pinakamataas na premyong pampanitikan sa Pilipinas, noong 2011.
“I wanted to do The Mango Bride because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this,” ito naging pahayag ng veteran actress sa US magazine na Variety.

“I have long been a fan of Marivi Soliven’s writing, from ‘Suddenly Stateside,’ her collection of light essays about living in the U.S., to ‘The Mango Bride.’ She captures the Filipino migrant and Filipino American experience skilfully,” dagdag niya.
Ang ‘The Mango Bride’ sasailalim sa direksiyon ng Filipino-Canadian na si Martin Edralin (Hole, Emma) habang si Rae Red (Babae At Baril, Birdshot) ang naatasan para sa screenplay.
Magsisimula ang produksiyon ng pelikula sa huling bahagi ng 2022.
Sharon Cuneta, bibida sa Hollywood movie adaptation ng isang award-winning novel
Source: Babaero Balita


0 Comments