Nagbahagi ng kaniyang reaksyon si Cristy Fermin sa viral photo ni Jake Zyrus na ibinahagi niya kamakailan
– Muling nagbigay opinyon si Cristy Fermin sa naging transpormasyon ni Jake Zyrus na dating Charice Pempengco
– Magkahalong saya at dismaya naman ang naramdaman niya sa pagbabahagi ni Jake ng kanyang katawan
– Inalala naman ng batikang showbiz columnist ang pagsubaybay niya sa journey ni Jake sa ‘Little Big Star’
Ipinagdiinan ni Cristy Fermin sa kanyang February 21, 2022 episode ng ‘Cristy Ferminute’ na magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya sa pagbabahagi ni Jake ng kanyang katawan sa social media pagkatapos ng ilan taong pagta-transisyon.
Ngunit suportado naman daw niya ang desisyon ni Jake at inalala pa ang noong journey ng singer bilang si Charice Pempengco sa ‘Little Big Star’.

“Kapag lumalaban siya sa Little Big Star, nakikita ko nakabistida siya, nakasapatos na pambabae, naka-bobby sock… babaeng-babae,” sinimulan ni Cristy.
“Okay na sa akin yung mga asta niyang lalaking-lalaki na talagang hindi na siya babae pero nakakalungkot pala kapag nagkaroon ka ng rekoleksyon nung pagiging bata niya na nakikita mong babae sya.”
Nalungkot naman daw siya dahil ang dating Charice ngayon ay ibang-iba na raw sa dati nitong katangian. Komento ni Cristy sa litrato ni Jake noong February 19.
“Lungkot na lungkot talaga ko nung makita ‘yan. Isipin mo no, si Charice noon, ganito na ngayon,” ang mga nasabi pa ni Nay Cristy dahil sa naturang litrato.

Sa kabila ng mga opinyon ng showbiz columnist, sinabi nitong hindi naging madali ang transisyon ni Charice bilang si Jake na mas maligaya na ngayon.
“Pero ano po ang magagawa natin? Siya na ang nagsasabi na maligaya siya sa itsura niya ngayon at komportable siya. Maibibigay po ba natin yun kay Jake Zyrus. Hindi naman di ba?” dugtong niya.
“Isipin mo kung ano talaga ang makakapagpaligaya sa tao, gagawin talaga niya,” pagkambyo ni Cristy.
“Hindi ka paliligayahin ng pagpapanggap, ang makapagpapasaya lang po sa atin at tunay na kaligayahang mararamdaman natin [ang] pagiging totoo. At ito ang totoo, kailangan natin tanggapin kahit ayaw natin,” pagpapaliwanag pa niya.
Cristy, may reaksiyon kay Jake Zyrus: “Hindi ka paliligayahin ng pagpapanggap…”
Source: Babaero Balita


0 Comments