Ikinuwento ni Yeng Constantino ang naging reaksyon ng asawa niya ng ma reveal nito ang nakaraang panliligaw sa kaniya ni Ryan Bang
Naging viral at usap-usapan nga sa social media ang naging kwento ng nakaraang panliligaw ni Ryan Bang kay kapamilya singer song-writer Yeng Constantino.
Nagsimula ang lahat ng kantiyawan sila ni Vice Ganda at ipinakuwento ang tangkang panliligaw ni Ryan bang kay Yeng, ilang taon na ang nakakalipas.
Sa gitna kasi ng tila panliligaw ni Ryan o pagiging malapit nila sa isa’t-isa ay tumigil ito at tila dumistansiya umano kay Yeng ng walang pasabi.
Isiniwalat ni Yeng na nabigla siya sa pangyayaring iniiwasan na siya ni Ryan Bang, bagay na ipinaliwanag ni Ryan at sinabi niyang dahil umano sa pagtanggi-tanggi ni Yeng sa mga paanyaya niya noon ay inakala niyang ayaw sa kaniya ni Yeng, na ipinaliwanag naman ni Yeng na noon ay talagang hindi lamang siya pala-gimik.

Dito nga ay kinagiliwan ng netizens ang naturang naulot na love story nilang dalawa, ngunit gindi naman na ito nagma matter at magkaibigan naman na sila.
Sa isang interview ay natanong si Yeng ukol pa rin sa trending topic na iyon patungkol sa kanilang dalawa ni Ryan at ibinahagi ang reaksyon ng asawa.
Nagulat umano ang asawa niyang si Yan sa ni reveal niya noong oras na iyon dahil hindi nito alam na may ganoong pangyayari pala sa kanila ni Ryan.
“Naki-emphatize siya kasi pinakinggan niya yung dalawang araw na interview ni Vice (Ganda) sa amin. ‘Grabe pala ang pinagdaanan n’yo, naintindihan ko,’” kuwento ni Yeng.

Nilinaw naman nito na wala naman daw naramdamang pagso-selos ang asawa niya sa pangyayari at nasorpresa lang din ito kagaya ng madlang pipol.
“Meron palang ganyan. Ba’t ‘di mo sa akin sinabi?” ang sabi raw ni Yan sa kanya.
Matapos nito ay sinabi ni Yeng na humingi siya ng tawad kay Ryan dahil sa kung bakit ibinalik at ikinuwento pa niya ang nakaraan nila on national tv.
“Kasi naman ang daldal ko talaga. Mali talaga ‘yun. Parang hiniritan ko pa siya sa TV. Medyo mahilig din kami ng chismak sa It’s Showtime so napag-usapan,” aniya.
Kahit papaano ay naging maganda rin naman daw na napag-usapan nila lalo ngayon ay naliwanagan sila sa pangyayari at napatunayan nilang mahalaga ang komunikasyon sa isang nagsisimulang relasyon.
Yeng Constantino ibinahagi ang naging reaksyon ng asawa sa nakaraan nila ni Ryan Bang
Source: Babaero Balita


0 Comments