Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice pinag-shopping ang dalawang babaeng nakita sa kalsada dahil sa mga smile nila

Nagbahagi ng kaniyang blessinga si Vice Ganda sa dalawang babaeng nakita niya lamang sa kalsada


Sa latest YouTube vlog ni Unkabogable Vice Ganda ay ibinahagi nito ang kaniyang karanasan matapos na mabigyan niya ng magandang araw ang ibang tao.

Sa naturang vlog niya ay napagdesisyunan ni Vice na magbigay kasiyahan sa ibang tao na siyang makikita niya sa kalsada at ipagsa-shopping niya ang mga ito.

Ibinahagi ni Vice na napag isipan niya ang bagay na ito dahil na rin sa hiling ng mga netizens sa kaniyang mga previous vlog habang nag sa shopping siya at nagsasabi ang mga ito ng ‘Sana All’.


“Pupunta tayo ng kalsada, tapos randomly pipili tayo ng isang madlang pipol tapos aayain nating mag-shopping. Kasi the last time nung nag vlog tayo nung shopping shopping, nababasa ko yung mga comments sinasabi na ‘Sana All’, ‘Sana makapag-shopping ulit’,’Sana ma-experience nating mag-shopping’… Kaya today iyon ang naisip naming i-content,” paliwanag ni Meme Vice.

Napag-desisyunan ng kaniyang team na piliin partikular ang mga working class upang mabigyan ng magandang araw ang mga ito sa gitna ng pagta trabaho nila ngayong pandemya.

“Patutunayan natin na yang mga taong naka smile nag a attract talaga ng biyaya tsaka ng positivity, hanap tayo ng naka-smile na babae o lalaki… basta naka-smile,” ani ni Vice.

At sa paglilibot nga nila sa kalsada ay nakita ni Vice ang dalawang babae na naka-smile habang naglalakad kaya naman ito ang kaniyang mga napili.

Sina Jewel at Juvy na magka-trabaho ang siyang naka-usap ni Vice na saktong pauwi mula sa kanilang trabaho na agad din namang sumama kay Vice ng imbitahin na niya ang mga ito.

Nagkaroon pa ng mini interview at tinanong ni Vice ang dalawa hingil sa kanilang buhay-buhay, kaya naman naibahagi nilang dalawa na nag ta trabaho sila para sa kani-kanilang mga pamilya.

Matapos nito ay nagsimula ng mag shopping ang dalawa at makikita sa kanila ang labis na kasiyahan dahil sa masayang araw na dulot sa kanila ni Vice Ganda.

Ipinamili sila ni Vice ng iba’t-ibang damit para sa kanilang dalawa at sa ilang kapamilya nila, maging ang anak ni Juvy ay binilhan ni Vice ng bisikleta at ang ina ni Jewel ay binilhan din ni Vice ng bag.

Umabot sa mahigit P65,000+ ang naipamili ng dalawa na siyang labis na nagpasalamat sa biyayang ito na ibinigay ni Vice Ganda sa kanila.

Panoorin ang vlog ni Vice Ganda dito:



Vice pinag-shopping ang dalawang babaeng nakita sa kalsada dahil sa mga smile nila
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments