Maging si Lolit Solis nakisawsaw na!, Ipinagtanggol ang kaibigang si Cristy Fermin labannkay Dawn Chang
Sa kabila ng maaaring pagsampa ng kaso ng kampo ni Dawn Chang laban kay Cristy Fermin sa mga matitinding akusasyon nito sa aktres, dinepensahan pa ni Lolit Solis ang kaibigan niyang si Cristy Fermin.
Matatandaang ilang araw pagkatapos pag-usapan ng netizens ang sinabi ni Cristy kay Dawn na ‘nakikipaglandian’ lang sa bosses ng ABS-CBN, humingi ito ng paumanhin o ‘di kaya’y haharap sa patong-patong na reklamo ang batikang entertainment host na si Cristy Fermin.
Ngunit tila nanlaban ulit ang host at nanghingi pa ng apology ang kampo ni Cristy kay Dawn. Isa sa bahagi ng abogado ni Cristy, “Unlike you, however, we do not demand the publication of your apology in a full-page ad in any newspaper.
“We simply demand a letter of apology from you, which you and she may share with media.” Nagsimula kasi ang salpukang ito nang gamitin ni Dawn Chang ang karapatan niyang magbahagi ni opinyon sa kapwa-Kapamilya nitong si Toni Gonzaga hinggil sa pagsanib pwersa nito sa mga pumatay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi naman natuwa ang show host dito at tinira pa si Dawn na siya raw ang karapat-dapat na ma-bash. Umabot na nga sa puntong ito kaya naman kabi-kabila na ang pagpapasahan kung sino talaga ang dapat manghingi ng paumanhin.
Sumama naman ang kilala ring ‘icon’ ng showbiz industry na si Lolit Solis at ipinagtanggol pa ang kaibigang si Cristy. Kaya naman sigaw ng publiko, bakit parang naging kasalanan pa ni Dawn?
“Madali pag usapan iyan, ipaliwanag na hindi tutoo, alam namin as writers ang parameter ng tama o mali, alam namin tumanggap ng paliwanag,” ayon kay Lolit Solis.
Kinuwestiyon pa nga ni Lolit si Dawn kung bakit tila naging ganoon ang reaksyon niya kahit na “baguhan” palang ito sa mundo ng showbiz.

“Wow ha, ganuon na ba ka sensitive eh kapapasok mo pa lang sa showbiz. Mas magandang ipakita mo ang pakikisama, at pang unawa sa mga nagaganap, kesa naman combative ka agad,” pagkukuwestiyon niya sa biktima ng tsismis ni Cristy.
Sarkastikong komento ni Lolit, tila nakakagulat raw na ang isang baguhang artista ay hihingi ng apology sa isang batikang entertainment host.
“Imagine mo na isang baguhan artista na hindi ko kilala ang buong tapang na humihingi ng apology kay Cristy, bongga! Hindi ba alam ng mga baguhan na pasalamat sila at napapansin at isinulat sila, kaya dapat tignan nila ito in a very constructive way?
“Kung magiging matalino sila, puwede nila makita at mabago, iyon tingin sa kanila ng tao. Huwag agad nilang bigyan ng malisya, at bigyan ng masamang epekto ang nabasa nila.
May pasasalamat pa ito kay Atty. Ferdie Tociapacio dahil nandiyan siya upang tulungan si Cristy sa tumatakbong kaso.
“Mabuti na lang at nandiyan agad si Atty. Ferdie Topacio para maging legal adviser ni Cristy Fermin, Salve.. Alam ko na kayang kaya ni Cristy Fermin harapin iyan, lalo pa at nasa tabi niya si Atty. Ferdie Topacio, saka sa ganitong panahon dapat natin ipakita sa mga baguhan na dapat maging team player sila, hindi iyon kapapasok pa lang, bumabangga na agad. Madali lang, hindi na dapat meron agad legal na papasok,” sulat ni Lolit sa kanyang post.
“Hindi bale, baka pag natapos ang issue na ito makilala ko na kung sino iyon artista na humihingi ng apology kay Cristy,” matapang na panghuling sabi ni Lolit.
Kasalanan daw ni Dawn? Lolit, dinepensahan si Cristy: “ganuon na ba ka sensitive eh…”
Source: Babaero Balita


0 Comments