Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Aljon Mendoza, inaming wala pa sa lugar para mamili ng proyekto

Wala pa sa lugar upang maging mapili sa proyekto, ito ang inamin ni PBB Ex housemate Aljon Mendoza


Nagbabalik sa long-time running drama anthology na Maalaala Mo Kaya ang aktor na si Aljon Mendoza para sa Valentine month offering ng palabas ngayong darating na February 26.

Hindi tulad ng kanyang ka-love team na si Karina Bautista, ang aktor na si Aljon Mendoza ay hindi baguhan sa Maalaala Mo Kaya, matapos itong alukin ng papel sa ikatlong pagkakataon nitong buwan.

Ibinahagi ng 20-anyos na dating Pinoy Big Brother OTSO housemate ang kanyang naramdaman matapos siyang alukin na maging lead actor sa unang pagkakataon.


“Nung pagkabigay sa amin nung script na-excite ako basahin kasi curious ako. So habang nababasa ko siya nadadala na rin ako eh. Yung character ko dito ibang iba siya sa Viral Scandal kasi dun medyo barubal, ganun. So dito sasabak ako sa English. Sa totoo naman nag-e-English naman ako pero kaya kaya naman yan.

“So yung tambalan naman namin dito ni Karina medyo may pagka matured. May build up habang patuloy yung story. Sa Viral Scandal kasi puro kulitan, pampasaya ng mga eksena kasi mabigat yung materyal so kami yung nagpapasaya dun. Pero dito mas madaming emotions kaming mapapakita, ganun,” pagbahagi niya sa mediacon ng MMK.

Sa MMK episode na may pamagat na Love Ko ‘To na mapapanood sa February 26, ginagampanan nina Aljon at Karina ang papel ng mag-asawang nagngangalang John at Theza, na sa kabila ng kanilang murang gulang ay magpapatunay na ang pag-iibigan ay nagwawagi sa kabila ng pagkakaiba-iba ng klase sa lipunan.

Kasalukuyang nag-quarantine ngayong linggo bago sila magsimula ng lock-in taping, ibinahagi ni Aljon kung paano niya pinaghahandaan ang kanyang role bilang John.

“Meron akong nakikitang similarities namin. Siyempre meron ding bago na magagawa ko na hindi ko talaga ginagawa kadalasan. Inaaral ko siyempre hinihimay ko din.

“Nagtatanong din ako kung anong puwedeng gawin, ganyan. Kasi malaking bagay para sa akin yung curiousity. Dapat curious ka sa character mo para mas marami kang malaman sa kanya.

“So ngayon habang naka-quarantine kami at hindi pa kami nag-shu-shoot, kinikilala ko pa yung character ko and  na-e-excite pa ako kung ano pa ang madi-discover ko sa kanya, ganun,” paliwanag niya.

Kahit pangatlong acting experience na niya ito sa MMK, sinabi ni Aljon na kinukunsidera pa rin niya ang kanyang sarili bilang isang artista na marami pang dapat matutunan sa industriya.

Si Aljon ay naging bahagi ng mga nakaraang MMK episode na “Medal of Valor” at “A Mother’s Sacrifice”.

Siyempre I like to believe na actor na ako and at the same time kasi iba yung pressure kapag nakapag-arte ka na before. Halimbawa third time ko na ‘to so every episode nag-se-step up ako, nag-le-level up yung performance ko.

“Pero siyempre may kaba pa rin pero mas gusto ko may mapatunayan. Mas gutom ako na makapatunay, para maka-perform ng well. Siyempre nakaka-pressure din pag yung story galing sa totoong buhay, sa totoong tao so kailangan talaga bigyan ng justice,” wika niya. 

Kahit tatlong taon na sa showbiz, inamin ni Aljon na marami pa rin siyang role na gustong subukan.

“Gusto ko din lumabas sa comfort zone ko. Pero for now kung anong ibibigay sa akin siyempre i-ga-grab ko yun. Wala pa ako sa lugar para mamili ng projects so kung anong ibibigay sa akin tatanggapin ko yun ng buong puso,” pag-amin niya.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya ChannelKapamilya Online Live on YouTubeABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC.



Aljon Mendoza, inaming wala pa sa lugar para mamili ng proyekto
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments