Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Xander Ford humingi ng tulong magka-trabaho kay Christian Gaza; “Dalhin kita sa Ukraine”

Nagbalik tanaw sa nakaraan si Xian Gaza matapos na lapitan siya ngayon ni Xander Ford at humihingi ng tulong trabaho


Viral ang ibinahaging conversation ni pambansang marites ng bayan na si Christian Albert Gaza sa kaniyang facebook account kay Marlou Arizala o mas kilala na sa tawag na Xander Ford.

Sa nasabing usapan nilang dalawa ay nilapitan siya ni Xander Ford at humihingi ng tulong upang magkaroon siya ng trabaho, kung saan pabirong ni reply-han siya ni Xian Gaza na papupuntahin niya ito sa Ukraine.

“Boss buhay pa po ako, baka may pa trabaho po kayo dyan. Miss you boss Xian,” sabi ni Xander Ford. “I miss you too. Kamusta na? Long time. Dalhin kita sa Ukraine,” reply naman ni Xian Gaza.


Sa sumunod na update na ibinahagi ni Xian Gaza ay ang naging reply sa kaniya ni Xander Ford kung saan tila tinotoo ang biro ni Xian at payag umano itong magtungo sa Ukraine upang makapag trabaho lamang na pantustos umano sa kaniyang pamilya, dahilan upang tila maging seryoso sa usapan si Xian.

“Sige lang boss Makapag work lang pantustos sa pamilya ko,” ang naging reply ni Xander Ford. “Joke lang yung Ukraine. May gyera ngayon doon. Anyway? Ano na ba pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay?,” balik tanong ni Xian.

Wala naman ng ibang update pa na ibinahagi si Xian sa mga sumunod na usapan nila ni Xander Ford.

Sa sumunod na post na lamang ni Xian Gaza ay ibinahagi nito ang naging tinahak ng buhay nila ni Xander Ford mula sa pagsisimula nila hanggang sa ngayon.

“DEBUNK: “EVERYONE HAS THEIR OWN TIMELINE, This photo was taken in 2016 at Resorts World Manila, bago pa maging “Xander Ford” si Marlou at bago pa maging “Xian Gaza” si Christian. During that time, si Xian ang financer-manager ni Marlou Arizala.

“A year later, nakilala sa buong Pilipinas ang dalawa. Inaya ni Xian si Erich Gonzales na mag-kape sa pamamagitan ng isang billboard tapos si Marlou naman ay sumailalim sa isang facial transformation at doon ipinanganak si Xander Ford.

“What do they have in common? Both of them ay produkto ng series of negative publicity for almost 5 years kaya sirang-sira ang kanilang imahe sa buong bansa. Pangalawa, parehas silang naghirap sa buhay noong 2018.

“The question now is, bakit sobrang layo ng kasalukuyang estado ni Xander Ford kay Xian Gaza?Why? Because Xian is laser-focused with his life goals. Crystal clear sa kanya yung patutunguhan niya. Alam niya kung ano yung landas na kanyang tatahakin.

“Malinaw ang plano niya sa buhay.So ano yung lesson na mapupulot natin sa history ng dalawang personalidad na ito?Useless lahat ng opportunity na darating sa buhay mo kung ikaw mismo sa sarili mo ay walay klaro at gulong-gulo.

“Until now ay hinahanap mo pa rin ang sarili mo at hindi malaman kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay. Ang hilig niyo sabihin yung linya na “everyone has their own timeline”.

“Ang tanong ko sa inyo ngayon, did you really set a timeline for yourself? Are you really working hard to meet your own timeline? One’s “timeline” is not something na hinihintay, it is something na sine-set sa sarili mong buhay.

“Just like an alarm clock na kailangan mong mag-effort bumangon. Kung hindi ka babangon, useless ang alarm clock. Kung hindi ka mag-eeffort, basag ang timeline mo sa buhay.

“Ang pagkakamali ni Xander Ford at ng maraming Pinoy eh sige sila hintay sa tamang panahon kung kailan darating yung “big break of my life” without realizing na hinding-hindi darating ito hangga’t malabo lahat ng bagay sa buhay mo.XIAN GAZA,” ani Xian Gaza.



Xander Ford humingi ng tulong magka-trabaho kay Christian Gaza; “Dalhin kita sa Ukraine”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments