Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Gerald Anderson at Sam Milby, magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’

Nakatakdang magsama sina Gerald Anderson at Sam Milby sa isang teleserye kasama si Ivana Alawi


Nakatakdang magsama ang parehong A-list leading-men ng ABS-CBN, na sina Gerald Anderson at Sam Milby, sa bagong drama series na “A Family Affair”, kung saan makakasama nila ang pinaka bagong leading lady ng Kapamilya Network na si Ivana Alawi.

Kinumpirma ang naturang proyekto noong Miyerkules sa “Kapamilya Strong 2022” event, kung saan sina Gerald at Sam, kasama ang siyam na iba pa, ay pormal na nag-renew ng kanilang kontrata sa ABS-CBN, dito ay ibinahagi rin nila ang mga naging dahilan nila kung bakit sila mga solid kapamilya.

Sa magkahiwalay na reel, kung saan ipinakilala ang dalawang aktor, ay ipinasilip ang kanilang mga paparating na proyekto kabilang ang title na “A Family Affair” na may disenyong tila patak ng dugo na nagpapahiwatig sa tema nito.


Sa media conference, tinukoy ni Gerald si Sam bilang kanyang onscreen “Kuya,” na isang maliwanag na indikasyon ng kanilang magiging papel sa serye.

Una ng pinasilip ang nasabing proyekto noong Disyembre 2021, sa Christmas special ng ABS-CBN, kung saan nagtanghal ang dalawang aktor kasama ang social media darling at kapwa Star Magic artist na si Ivana Alawi.

Noong panahon din na iyon ay nihayag ni Ivana sa pamamagitan ng Instagram post na nakatakda siyang bumalik sa pag-arte sa pamamagitan ng isang teleserye ng ABS-CBN, isang indikasyon muli na magiging leading men niya nga sa serye sina Gerald at Sam.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naman ibinubunyag ang iba pang cast na kabilang sa nasabing proyekto pero inaabangan na ito ng maraming kapamilya supporters.

Huling napanood sina Sam at Gerald sa primetime series na “Ang Sa Iyo Ay Akin” at “Init sa Magdamag,” na parehong nagtapos noong 2021.

Bukod sa “A Family Affair,” si Gerald Anderson ay bida rin sa paparating na pelikulang “To Russia With Love” mula sa Mavx Productions.

Tiyak na kaabang-abang ang naturang upcoming teleserye lalo pa’t ito ang unang bida role ni Ivana Alawi na ngayon ay kinikilala bilang YouTube queen ng bansa dahil sa laki ng followers niya sa naturang website.



Gerald Anderson at Sam Milby, magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments