Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kris Aquino, itinuturing na ‘friend for life’ si Angel Locsin

Ibinahagi ni Kris Aquino ang for life friendship nila ni Angel Locsin sa kaniyang social media accounts


Marami ang natuwa sa latest Instagram update ni Kris Aquino matapos nitong sabihin na itinuturing niyang ‘friend for life’ at isa sa iilang ‘closest’ na tao sakanya ang aktres na si Angel Locsin.

Nagbahagi ang Queen of All Media ng Philippine showbusiness ng larawan ng naging intimate late celebration gathering para sa kanyang ika-51 kaarawan, kung saan kabilang din ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Binanggit ni Kris sa caption ng kanyang post ang 15 taong pagkakaibigan nila ni Angel Locsin na nagsimula pa noong taong 2007.


“We’ve known each other mula nung baby pa si Bimb, first friend nya ko sa network namin nung bagong lipat sya. Never did i expect na magiging friends for life na kami… Name it, napagdaanan na namin together pero ang maganda, hindi for public consumption.. super small gathering lang for the people i am closest to, more than a week after my birthday,” kwento ni Kris.

Patutsadang dagdag naman si Kris patungkol sa darating na May presidential elections, “Obviously alam namin ni Gel kung anong kulay kami this 2022, BUT happy ako to embrace the rainbow. (well, except for 1 color- for now, gets nyo na, diba?)”

Sa larawan, makikita si Angel na nakasuot ng pink, ang campaign color ng presidential aspirant at Vice President Leni Robredo. Habang si Kris naman ay naka-yellow, ang political color ng kanyang pamilya.

“Ready, action agad, hindi puro pangako lang ang pagtulong sa mga nangangailangan (kaya nga po nabuo at tumibay ang samahan dahil sa mga relief ops namin).

#lovelovelove from Ate/ Ninang Kris & Angel na parehong nagmamahal sa BAYAN. We [love] the [Philippines]. Mabuhay ang KALAYAAN at DEMOKRASYA!,” pagpapatuloy pa ni Kris.

Ibinahagi rin ni Angel ang parehong larawan sa kanyang Instagram, na may caption na: “Small gathering to celebrate ate kris’ birthday! I-post ang larawang ito dahil maganda at malusog siya rito.”

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang autoimmune condition, na nagresulta sa kanyang lumalalang kalusugan at matinding pagbaba ng timbang.

“She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya 🙂 love you ate! Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin 🙂 at iba magmahal ang isang Kris Aquino,” dagdag pa ni Angel.

Proud na ibinoses rin ni Angel ang tungkol sa kanilang mga paboritong kulay.

“PS: obviously, alam niyo na kung anong kanya-kanyang bet na kulay naming… Mabuhay ang kapayapaan at demokrasya!” sabi niya.



Kris Aquino, itinuturing na ‘friend for life’ si Angel Locsin
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments