Ipinaliwanag ni Sylvia Sanchez na malinis ang intensyon ng anak na si Arjo ang pagpasok sa pulitika
Pinanindigan ng Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez na tunay at malinis ang hangarin ni Arjo Atayde sa pagtakbo sa pagka-kongresista sa Quezon City ng District 1.
Ikinuwento ni Sylvia kay Ogie Diaz sa vlog nito ang naging karanasanan nilang magikot-ikot sa mga taumbayan ng District 1 sa kadahilanang hindi pa maaaring mangampanya si Arjo dahil nasa lock-in taping.
Naitanong naman ni Ogie kung mayroong takot na naramdaman si Sylvia sa pagbabalak ni Arjo na tumakbo sa darating na halalan.
Aniya, “Wala akong takot na tumatakbo siya dahil alam kong totoo ‘yung gusto. Sincere ang anak ko sa pagtakbo. Gusto talaga n’yang tumulong. So alam ko totoong Arjo ‘tong humaharap sa kanila, nang walang halong pambobola, hindi nanloloko ng tao.”

Naibahagi rin niyang natatakot siya sa papasukin ng anak dahil minsan daw ay nasasangkot ang mga balitang may mga nagbabarilan sa mundo ng politika.
“Pero may takot ako doon sa alam naman natin, e. ‘Yung politika, magulo. Kung sa showbiz magulo, alam natin. Walang panama ang showbiz sa politika dahil dito minsan, involved dito ‘yung baril. May mga nangyayari. May mga barilan. Doon lang ako takot para sa anak ko,” kwento ng aktres.
Mapagpakumbaba pa rin ito dahil ang tanging panalangin daw niya sa Panginoon ay sana’y huwag magbago ang ugali ni Arjo at huwag maging sakim sa kapangyarihan kapag binoto ito ng mga tao.
“Basta ang tanging dasal ko lang talaga sa Diyos, ‘Lord kung karapat-dapat ang anak ko na manalo sa pagka-congressman sa District 1, then sige po, panalunin N’yo po pero kung… ikasasama niya ‘to, magbabago siya, magiging hindi siya mabuting congressman, at magiging masama siyang tao, ako na po mismo naninikluhod sa Inyo. Huwag N’yo na po panalunin ang anak ko,” mabuting dasal niya sa Panginoon.

Sa kabila ng mga iyan, nanindigan rin sila na hindi sila mananakit, maninira, o mananakot ng kabilang kampo dahil andito lang si Arjo upang maglingkod sa mga nasasakupan nito.
“Hindi kami lalaban ng sira. Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo. Siraan kami nang siraan, siraan nang siraan ang anak ko, ang napag-usapan at ang sinabi ni Arjo,
‘Hindi ako lalaban sa siraan, mommy kasi nandito ako paea magserbisyo… gusto kong tumulong sa tao. Hindi para manira ng kahit na sino lalung-lalo na ng kalaban ko. That’s not my cup of tea. Hindi ako ganu’n.” dagdag pa ni Sylvia.
Mensahe niya pa sa kanyang anak, “Nak, kapag nanalo ka, huwag kang magpadala sa power. The more na maging mapagkumbaba ka at saka tulungan mo ang buong District 1. Itanim mo ang pagmamahal sa District 1 kasi ‘yung pagmamahal, yung pakikisama, at pagiging mabuting tao na itinanim mo, babalik ‘yan sa ‘yo. Mamahalin ka rin ng mga taga-District 1.”
Arjo, malinis ang intensiyon sa politika; Maglilingkod at hindi magnanakaw
Source: Babaero Balita


0 Comments