Matapos humingi ng tulong, Xander Ford may trabaho na mula kay Xian Gaza
Tila inilabas ng pambansang marites na si Xian Gaza ang kaniyang kabaitan matapos na tulungan at paghigyan niya ang hiling ni Xander Ford.
Binigyan niya ito ng tulong o trabaho upang makarulong din iro sa kaniyang pamilya lalo ngayon at tila wala itong ibang pinagkakakitaan.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Xian Gaza ang pakikipag-usap sa kaniya ni Xander Ford kung saan humihingi ito ng tulong na magka trabaho siya.
Biniro pa nga ni Xian si Xander Ford na kung gusto niya ng trabaho ay ipadadala niya ito sa Ukraine, na siya namang tila sinang-ayunan ni Xander upang magka-trabaho lamang, Sa sumunod pa ngang post ni Xian ay ibinahagi niya ang naging journey nilang dalawa ni Xander.. siya ay yumaman, samantalang si Xander naman ay hindi pa.

Samantala sa latest update naman na ibinahagi ni Xian Gaza ay binigyan na nga niya ng trabaho si Xander Ford dahil na rin sa hiling nito.
Sa ibinahaging update ni Xian Gaza ay ipinakita nito ang mga sumunod na pag-uusap nila ni Xander Ford at ipinaliwanag ang trabahong ibinigay niya.
Tinawag ni Xian Gaza na ‘Messenger Relations Officer’ ang trabahong ibinigay ni Xian Gaza kay Xander Ford na siyang titingin sa kaniyang mga messages.
“Ikaw na ang magiging Messenger Relations Officer ko. Naiirita na kasi ako na sa tuwing paggising ko eh binubulaga ako ng maraming messages.

“Not good for my mental health. Simula ngayon eh ikaw na ang makikipag-usap sa kanila in behalf of me. Iignore ko na sila from time to time, kung may need sila sabihin sa akin, dadaan muna sayo,” paliwanag ni Xian kay Xander.
Nagbigay halimbawa pa si Xian ng kung ano ang ire reply ni Xander Ford sa ilang mag me-mensahe sa kaniya lalo kung busy o tulog pa ito.
Agad pa ngang nilinaw ni Xander na mga importanteng mensahe lamang ang kakausapin niya at hindi na i e entertain ang mga non essential.
Mababasa rin na kada kinsenas ay sasagod si Xander Ford ng P2,500 i Mahigit sa P5,000 kada buwan para lamang mag check sa mga messages ng kaniya ngayong boss na si Xian Gaza.
Xian Gaza binigyang trabaho si Xander Ford matapos humingi ng tulong
Source: Babaero Balita


0 Comments