Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Liza Soberano, unang napiling bumida ni Bela Padilla sa kanyang pelikulang ‘366’

Bella Padilla inaming si Liza Soberano pala ang first choice nila para sa kaniyang pelikula


Ibinunyag ni Bela Padilla na si Liza Soberano ang una niyang napili para magbida sa kanyang directorial debut na ‘366’.

“The film, 366, wasn’t meant for me. I didn’t want to act in it because I was told I was going to direct it, so I wanted another actress to be in it,” saad ni Bela sa isang interview ng ABS-CBN News.

Ibinahagi rin ni Bela na may panahong hinihingi na niya ang schedule ni Liza.


“I required Liza Soberano for this. I even came to a point where I asked for her schedule already. She was doing a TV show at that time. I think it was Make It With You,” ibinahagi niya.

Gayunpaman, nang mangyari ang pandemya, nagbago ang kanyang mga plano para sa pelikula.

“When the pandemic started, a lot of actors didn’t want to work. Mahirap naman na biglang sasabak sa bubble, sa shooting life. Hindi ko pinilit ang original vision ko for this film,” ani niya.

Nang magdesisyon na siyang pumasok hindi lamang bilang isang direktor kundi bilang aktres para sa 366, sinabi ni Bela na tiyak na may mga pagkakaiba kung paano niya bibigyang kulay ang pangunahing karakter na babae.

“I wouldn’t say better, but it’s definitely different. I am older than Liza. I guess my interpretation of grief and love are different. Liza and I are in different stages in our lives. I gave a different interpretation and performance than she would have given. I still love to work with her, though. Maybe one day, that will still happen,” paliwanag niya.

Kasalukuyang nasa London ang aktres matapos magdesisyong doon muna manirahan, ilang buwan na ang nakalilipas.

Sa nakalipas na ilang buwan, nagbabahagi si Bela ng mga larawan at video ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang bahagi ng Europe.

Samantala, hindi pa kinukumpirma ni Bela kung babalik pa ba siya sa Pilipinas para gumawa ng panibagong proyekto.

Ang huling pelikulang ginawa ni Bela sa bansa ay ang On Vodka, Beers, and Regrets habang ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Mea Culpa: Sino Ang May Sala?.



Liza Soberano, unang napiling bumida ni Bela Padilla sa kanyang pelikulang ‘366’
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments