Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Janine nagbahagi ng mensahe sa namumuong relasyon ng ex na si Rayver Cruz at Julie Anne

Nagbigay mensahe si Janine Guttierrez matapos na tanungin siya patungkol sa namumuong relasyon nina Rayver Cruz, na dati niyang nobyo, at Julie Anne San Jose


Malakas ang usap-usapan ngayon sa social media ang di-umano’y pagkakamabutihan nina kapuso stars Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Kaya naman hindi mapipigilan ang mga press sa pag-uusisa o pagtatanong sa ex girlfriend ni Rayver na si kapamilya star Janine Gutierrez.

Sa naganap ngang isang interview ay hindi na nagpaligoy ligoy pa ang mga press people at diretsahang tinanong si Janine sa naturang pagkakamabutihan nina Rayver at Julie Anne.


“Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga. I’m always gonna care about him,” ang diretsong at wala ng paligoy ligoy pang sagot ni Janine patungkol kay Rayver. Dito ay ipinaliwanag din niya na maayos at hindi naman sila magkaaway ni ex-bf.

“Hindi pa kami nagkikita uli, pero okay naman kami. I always wish him the best and I’m always rooting for him talaga,” dugtong pa nito.

Matatandaang nitong Nobyembre ng nagdaang taon ng makumpirma ng lahat ang naging hiwalayan nila Rayver at Janine.

2017 ng unang pumutok ang pagkakamabutihan nilang dalawa hanggang sa inilarawan nilang Intense dating stage sila noong taong 2019.

Naging maayos at mutual naman umano ang naging paghihiwalayan nila lalo pa’t nawalan na umano sila ng oras para sa isa’t-isa.

Samantala sa tanong patungkol sa pagkakamabutihan nila ni Paulo Avelino ay nagbigay din ng update patungkol dito si Janine.

“Well, I’m happy that we are close. We have always been close naman. Mas naging close lang kami after ng teleserye and after working together sa ABS,” ani nito.

Sa tanong kung nililigawan na nga ba siya ni Paulo Avelino ay natatawa itong sumagot at inaming masaya siyang kasa-kasama si Paulo.

“We super get along with each other. We’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him,” ang tanging tugon ng dalaga.



Janine nagbahagi ng mensahe sa namumuong relasyon ng ex na si Rayver Cruz at Julie Anne
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments