Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Albie, na-challenge sa love scenes niya; Ginamitan daw ng lib*g: “First time ko rin…”

Ibinahagi ni Albie Casino ang experience niya sa pinaka steamy scene na ginawa niya bilang artista


– Ibinida ni Albie Casino na first timer siya pagdating sa mga hot love scenes na ‘ganun ka-intense’ kaya naman nahirapan ito sa kanyang bagong pelikula

– Kinuwento rin niyang ‘challenging’ umano ang paglalagay niya ng plaster sa kanyang ari upang hindi ito mahagip sa camera

– Effort na effort naman siya sa mga eksena lalo na’t baguhan ang kanyang partner upang ‘realistic’ ang kanilang pag-ganap


Bibida ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casino sa bagong Viva Films-produced steamy movie na “Moonlight Butterfly” na idi-direk ni Joel Lamangan kasama ang kanyang baguhang leading lady. First time naman daw gumawa ng love scenes ang aktor sa isang pelikula kaya naman na-challenge ito at nanibago siyang gawin ito on-cam.

Pinag-effort-an rin nilang maging makatotohanan ang bawat eksena ng ka-partner niyang baguhang aktres na si Christine Bermas sa “Moonlight Butterfly”.

Ayon kay Albie, maliban sa mga intense love scenes, nahirapan umano itong magkabit ng plaster sa kanyang private part upang hindi ito makita sa camera.

Kadalasan kasing ginagamit ang plaster sa tuwing may eksenang ganito. “Yung pinakamahirap siguro ay yung love scene namin ni Christine bilang conservative akong lalaki so nahirapan ako sa mga ganung bagay. First time ko rin kasing magkaroon ng love scene tapos ganu’n pa ka-intense,” amin ni Albie sa presscon ng kanyang movie.

“Yung plaster, pinakamahirap din talaga yon especially taking it off, putting on, first time ko kasing kailangang magsuot ng plaster. Doon talaga ako nahirapan. Masakit siyang tanggalin.” dagdag pa niya.

Nai-kwento pa niyang normal lang na ma-turn on ang isang aktor habang ginagawa ang ganung klase ng intimate scenes. “Bilang artista, feeling ko kung intimate yung scene kailangan mo yung lib*g, eh, like it’s part of it.

“Hindi naman kami nagkukunyari dito while we were doing scenes, we put ourselves in the situation and we really… talagang ginagawa namin yan so I use it di ba, ginagamit ko na lang siguro yung lib*g sa eksena.” sabi niya.

Ginagawa naman daw niya ngayon kung ano ang ikakaganda ng kaniyang showbiz career. “You know, ang hirap talaga nu’ng pandemic for all of us. Simula 2019, 2020, 2021 talagang ang hirap ng work. Personally speaking, para po sa akin hirap na hirap po ako sa tatlong taon na yon.

“But thankfully, di ba, sobrang dami ng pasasalamat ko dahil pagkalabas ko pa lang ng PBB (Pinoy Big Brother) ito na kaagad yung sinasabi ko na, ‘This is it, ito na yung second chance ko.’

“Kasi nu’ng nagsimula ako sa showbiz sobrang bata ko pa, eh. And alam mo yon, hindi ko pa talaga alam kung paano yung takbo.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa industriyang ito. And I’m super thankful sa nangyayari. Kaya sinusubukan kong i-level-up pa yung work ethic ko. Like this week I’m working everyday, doing It’s Showtime and some other stuff on the side.

“Kung dati nung bago ako hindi ko talaga gagawin yung mga ganun kasi parang tinatamad ako, but now, di ba, talagang strike while the iron is hot bago ako malaos ulit,” saad niya.

Naitanong rin sa kanya kung ayos lang sa kanya ang mga eksenang nasa “Moonlight Butterfly” gaya ng mga ginagampanan niyang karakter ni Roy na binubuhay ang kanyang girlfriend.

“Sa ganu’n ka-extreme, feeling ko hindi ko kaya. Pero I’m just being honest, like sometimes when I go out girls offer to pay for my drinks. ‘You wanna pay for my stuff, go dude. You wanna pay for my food, sure! Okay lang.’

“Pero kung ang ibibigay ay parang pangkabuhayan showcase na sa tingin ko hindi ko kayang tanggapin,” sagot ni Albie. Sa tanong na kung gusto niya ng babaeng agresibo o dominante, “Siguro may middle ground yon, eh. Ayoko naman ng super, super dominant, di ba? Ano ka nanay ko, uutus-utusan mo ako lagi? Then ayoko din naman yung parang tuta naman na kahit anong sabihin mo gagawin niya lahat.

“I want a partner na who has her own head on her shoulders and at the same time marunong siyang makinig. This is my favorite term, eh, I don’t really want to be with an independent woman, I want to be with an interdependent woman.

“Kasi relationship yan, eh, kailangan nagmi-meet tayo half way, kailangan may mga compromises,” aniya.



Albie, na-challenge sa love scenes niya; Ginamitan daw ng lib*g: “First time ko rin…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments