May matinding awayang naganap?, Kit kasalukuyang nasa pulisya matapos i reklamo ng nobya ng pambubugbog
Kinumpirma ng Tagaytay PNP na dinala na sa tanggapan ng pulisya ang aktor na si Kit Thompson para sa pormal na pagsisiyasat, kasabay ng pagka-rescue sa nobya nitong si Ana Jalandoni matapos humingi ng tulong ng aktres dahil sa insidente ng pambubugbog.
Naalerto ang mga awtoridad matapos humingi ng tulong si Jalandoni sa kanyang mga kaibigan at nagpadala ng larawan na siya diumano’y kinulong at sinaktan ng kanyang kasintahan na si Kit Thompson.

Habang humihingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga kaibigan ni Jalandoni, inalerto din ng hotel staff ang Tagaytay Police matapos suriin ang kaguluhan sa hotel room ng magkasintahan.
Kasalukuyang nasa ER ng isang ospital at ginagamot si Jalandoni. Ang aktor na si Kit Thompson naman ay pinoproseso na ng Tagaytay PNP.

Ang Kapamilya hunk actor na si Kit ay nagsimula sa showbiz pagkatapos niyang sumali bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012.
Ngayong taon ay kabi-kabila pa ang proyekto ng aktor matapos ang kanyang pagganap sa seryeng ‘La Vida Lena’ na nagtapos umere nitong nakaraang buwan. Kabilang rin siya sa cast ng Pinoy adaptation ng Korean series na ‘Flower of Evil’ na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Kit Thompson, nasa kustodiya ng pulis matapos humingi ng tulong ang nobya dahil sa pambubugbog
Source: Babaero Balita


0 Comments