Tumatanggap nga ba ng manliligaw ngayon si Francine Diaz?
Nabanggit ng kapamilya young actress at dating miyembro ng ‘Gold Squad’ na si Francine Diaz, na nagdiwang kamakailan lamang ng kanyang ika-18 kaarawan, na mas binibigyang halaga niya umano sa ngayon ang kanyang showbiz career higit sa anupamang bagay.
Ayon pa sa aktres ay makakapaghintay naman ng tamang panahon ang kanyang buhay pag-ibig, “Saka na po siguro [ang pag-ibig] kapag naibigay ko na po ang lahat kina mama,” ayon kay Francine sa naging panayam sa kanya sa morning talk show na ‘Magandang Buhay’.

Naitanong rin sa aktres kung pinapayagan na ba siyang mag-entertain ng mga manliligaw. Ibinahagi ni Francine na talagang tinanong din niya ang kanyang ina tungkol dito.
“Actually ako bata pa tinatanong ko na sa nanay ko. Sabi ko, ‘Mama kailan ako pwedeng mag-boyfriend?’ ‘Manahimik ka, ako ang magsasabi.’ Nagtitiklop kasi siya noon, so nabigla siya sa tanong ko. Tapos ngayon tinanong ko siya ulit, ‘Paano mama kung may umamin?’ kahit wala naman. Tinanong ko lang. Sabi niya, ‘Ligaw lang,’” kwento niya.
Nagbahagi rin si Francine tungkol sa mga aral sa buhay na natutunan niya ngayong siya ay 18 taong gulang na. Ayon sa kanya, ang hindi pagsuko ang pinakamalaking aral na natutunan niya sa nakalipas na mga taon ng kanyang buhay.
“Hindi lang naman po nung nag-18 ako na ito ang lesson ko sa life. Talagang don’t give up. Ako po kumbaga para akong nasa tunnel, madilim. So kung hindi ako maglalakad, ‘di ko makikita ang light. So don’t give up; just keep going,” aniya.

Naging ganap na 18 taong gulang ang aktres noong Enero 27. Inabot ng isang buwang pagdiriwang ang kaarawan ng aktres na nagtapos sa isang debut party. Inilarawan ni Francine ang kanyang debut bilang isang “dreamy” celebration.
“‘Yung theme po ng birthday celebration ko, dreamy siya… Gusto ko rin kasi nu’ng bata ako ’yung parang maging princess, ganyan. Gusto ko nasa castle ako, naka-gown ako, naka-dress. So ’yun po ’yung ginawa ko na theme,” ibinahagi niya sa panayam sa Metro.Style noong Pebrero.
Inilabas naman ng iWantTFC ngayong Miyerkules ang opisyal na trailer ng paparating nitong orihinal na seryeng “Bola Bola” na pinagbibidahan ni Francine.
Bahagi rin ng seryeng ginawa ng Dreamscape Entertainment at KreativDen sina KD Estrada, Ashton Salvador, Akira Morishito bilang leading men ng aktres.
Francine Diaz, pinapayagan na bang tumanggap ng manliligaw?
Source: Babaero Balita


0 Comments