Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Campaign rally ni VP Leni bayad?; Angel Locsin, nag-reply sa mga fake news ng basher

Angel Locsin hindi napigilang sagutin ang basher sa mga maling paratang nito


Mahinahong nag-reply ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa isang malisyosong nag-comment na bayad umano ang campaign rally ni VP Leni kamakailan.

Marami kasing fake news ang nagkalat sa internet na namimigay daw di-umano ang kampo ni VP Leni ng tig-500 sa sino mang dadalo sa mga campaign rally na ginagawa nila.

Pinayuhan naman niya ang mga netizens na tila walang humpay na nag-aaway-away na tigilan ang paglalaban-laban dahil hindi naman daw sila masamang tao.


Hinamon ng Kapamilya star na si Angel Locsin ang isang anti-Leni na nagpapakalat ng fake news sa kanyang mismong Instagram account nang mag-post ito ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang pagkapangulo.

Marami kasing triggered sa social media ang “naiinggit” sa dami ng supporters nina VP Leni at Kiko Pangilinan kaya naman kanya-kanya sila ng isip kung anong malisyosong balita ang maaari nilang maibato sa mga Kakampink.

Ilang beses na pinabulaanan naman ito ng mga dumalo sa mga nagdaang campaign rally ng Leni-Kiko at sinabi pang kanya-kanya sila ng print ng mga posters at placards.

Ang iba pa nga raw ay naglalakad pa upang maipakita ang pagsuporta kina Leni Kiko sa mga rally. Hindi naman nakaligtas ang comment section ni Angel Locsin sa mga fake news peddlers noong March 14 nang magpost nga ito ng ilang litrato kung saan makikitang binisita ng mga Leni supporters ang iba’t-ibang lugar.

“Pag-asa #MayTheLastMandStandingBeAWoman,” caption nito. “Ung sa ISABELA may card n binibigay, with id and signature with 500 pesos,syempre SA hirap Ng buhay, kukunin mo lng Yung pera, pero Iboto Ang karapat dapat…I have proof, bka sbihin n nman Kasi nila naninira.” sabi ng isang Instagram user.

Resbak ng Kapamilya star, “Hi! If you have proof, you may contact #comelec @cnnphilippines @gmanews @abscbnnews @tv5manila to address your concern.

“Let me also tag @lawyersforleni so they can also check your statement thank you,” hirit pa niya.

May isa namang nagcomment na edited umano ang mga tao sa campaign rallies ni Leni kaya naman pumalag ang ilang mga Kakampinks sa akusasyon na ito.

Minabuti naman ni Angel na pagbawalan na mag-away-away ang dalawang panig at sinabi pang hindi naman daw sila masasamang tao. “Hindi po tayo dapat maglaban laban.”

“Nandito po kasi kayo sa page na majority ay pro leni kaya may sasagot po talaga kapag may comment kayong hindi tama.”, “Again, pasensiya na po! Hindi po kami masamang tao,” dagdag niya pa.



Campaign rally ni VP Leni bayad?; Angel Locsin, nag-reply sa mga fake news ng basher
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments