Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Valentine Rosales, na sumikat dahil kay Christine Dacera, trending muli dahil sa post nito

Viral ang post ni Valentine Rosales patungkol sa isang insidenteng nasaksihan niya sa isang convenience store


Trending at usao-usapan muli ang kontroberysal na social medoa personality na si Valentine Rosales dahil sa ibinahagi nitong kwento.

Matatandaang si Valentine Rosales ay ang isa sa mga kaibigang nadawit sa biglaang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa unang bahagi nga ng imbestigasyon ay kinilala sila bilang mga suspek na pumatay kay Dacera, ngunit kalauna’y napawalang sala rin ng mapatunayang pumanaw ito dahil sa aortic anuerysm.


Ngayon nga ay viral muli si Rosales dahil sa kwentong ibinahagi niya sa kaniyang facebook account patungkol sa isang insidenteng nanagyari umano sa isa sa mga branch ng seven eleven kung saan nasaksihan umano niya ang pagnanakaw ng isang lalaki sa naturang branch.

“Story Time: Incident kanina sa 7/11 Near Alimall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market Namili ako ng chips and korean noodles kanina sa 7/11 around 1pm

“Tapos may pumasok na lalaki madaling madali kumuha ng drinks sa Vending Machine. Sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso.

“Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier

“Sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad.

“Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot. Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?”

“Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.”

“Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh. Natawa si Kuya sabi niya magnanakaw talaga tas natawa din tuloy ako at sinabi ko hayaan mo na kuya, ako nalang po mag babayad nung tumbler na yun. Sabi ni kuya salamat sir samin kasi yun ma charge eh.

“Sabi ko magkano ba? 35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier,” ang buong post nito na sa kasalukuyan nga ay may 27k reactions na at 8k shares.



Valentine Rosales, na sumikat dahil kay Christine Dacera, trending muli dahil sa post nito
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments