Nagsagutan sina Valentine Risales at Xian Gaza kaugnay sa viral story time na ibinahagi ni Rosales
Nitong nagdaang araw nga lamang ay nag-viral ang facebook post ni Valentine Rosales patungkol sa insidenteng nangyari sa isang convenience store.
Ibinahagi ni Rosales ang pagiging isang kakampink niya kasabay ang pagku-kwento patungkol sa isang netizen na nagnakaw sa naturang convenience store.
Nag viral nga at naging usap-usapan ito ng mga netizens at nakarating na sa pambansang boy marites na si Christian Albert Gaza.
Ang viral story time na ibinahagi ni Valentine Rosales ay siyang ibinahagi rin ni Xian Gaza sa kaniyang facebook account at nagbahagi ng mensahe para kay Rosales, matatandaang bokal ding ipinahahayag ni Xian Gaza ang kaniyang pagsuporta kay VP Leni sa pagtakbo nito bilang presidente.

Sa kaniyang facebook post ay ibinahagi ni Xian Gaza ang naging mensahe niya para kay Rosales na aniya ay gawa-gawa lamang nito ang viral story time niya.
“Alamo.. maka-Leni sana ako eh.. pero after kong mabasa yung kwentong barbero mo sa 7-eleven na grade 3 lang maniniwala, baka mag-BBM na lang pala ako. Nakakahiya eh,” mensahe nito kay Rosales.
Sa sumunod na patutsada naman ni Xian ay binalikan niya ang naging viral case na kinasangkutan ni Rosales, ang pagkamatay ng kaibigang si Christine Dacera.
“Feeling ko may kasalanan ka sa pagkamatay ni Dacera pero nag-imbento ka ng kwento sa media at pulisya,” ang patutsada ni Xian laban kay Rosales.

Matatandaan ngang sa unang bahagi ng imbestigasyon ay lumabas na kabilang si Rosales sa suspek sa pagkamatay ng kaibigan.
Ngunit kalauna’y napawalang bisa rin naman ang kaso laban sa kanila matapos na mapatunayang aortic anuerysm ang dahilan ng pagkamatay nito.
Hindi naman na pinalampas ni Rosales ang patutsadang ito ni Xian sa kaniya at sinagot ang naturang bintang sa kaniya at sinabing at least siya ay hindi nabubuhay sa kasinungalingan.
“Nahiya naman ako sayo, Ikaw nga nabuhay ka sa puro kasinungalingan almusal mo gumawa ng issue sa mga tao panay imbento ka ka-lalaki mong tao Marites ka, Atleast ako aminadong bakla ikaw in denial kang tilapia,” ani Rosales.
Sa sumunod na tirada naman ni Xian ay ginaya niya ang story time ni Rosales habang pinapakitang umiinom ito ng drinks mula naman sa starbucks.
Bardagulan! Valentine Rosales at Christian Gaza nagsagutan, dating kaso binalikan
Source: Babaero Balita


0 Comments