Sa pagbabahagi ng boyfriend niya ng pag suporta kay VP Leni, Kathryn Bernardo susunod na nga ba sa yapak ni Daniel sa pagsuporta kay VP Leni?
– Naging viral kamakailan lamang sa social media ang mga litrato ni Daniel Padilla bilang isang Kakampink habang katabi ang poster ni Vice President Leni Robredo
– Nagbigay naman ng reaksyon ang isa sa anak ni Vice President Leni Robredo sa pagsuporta ni Daniel sa kanilang ina
– Palaisipan naman sa ngayon kung pati ang kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo ay isa na rin bang VP Leni supporter
Matatandaang isa sa pinaka-malaking artista sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang siyang nag endorso at nagpakita ng kanilang suporta kay VP Leni Robredo noon nang tumakbo ito bilang bise presidente taong 2016.

Magkahalong kilig at saya ang naramdaman ng magkakapatid na babae ni Vice President at Presidential Candidate na si Leni Robredo sa pagsuporta ng Kapamilya star na si Daniel Padilla sa kampo ng nga Kakampink.
Kasunod nang maipost sa internet ang litrato ni Daniel habang katabi ang isang Leni poster, agad itong nag-viral at naging trending topic pa sa Twitter.
Naging tanong rin kung isa na nga rin bang Kakampink ang real-life partner ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” ang nakasulat sa caption ni Mandy Reyes, ang nagpost ng picture nila ng heartthrob.

Ibinahagi naman Aika Robredo, sa isang panayam sa kanila ng OnePH para sa “Sa totoo lang”, ang kanyang reaksiyon at hindi na naitago na isang tagahanga ni Daniel ang bunso nilang kapatid na si Jillian.
“Ako ‘yung nakita sa picture kaya sinend ko kaagad kay Jillian kasi si Jillian ‘yung sobrang fan na fan ni Daniel Padilla at alam kong sobrang matutuwa siya kapag makita niya ‘yun.
“Kaya lang tulog pa siya nu’ng sinend ko so hinihintay ko siyang gumising para malaman ‘yung reaksiyon niya. Pero una kong naisip ‘yung kapatid ko kasi sigurado akong matutuwa ‘yon.” saad niya.
Samantala, iniisip pa rin ng ilan sa ngayon kung Leni supporter rin ba si Kathryn Bernardo dahil matatandaang sinuportahan nila ni Daniel si Leni Robredo noong tumatakbo ito sa pagka-bise presidente.
Kathryn, isa ring Kakampink?; Mga anak ni VP Leni natuwa at kinilig kay Daniel Padilla
Source: Babaero Balita


0 Comments