Ang boyfriend na si Javi Benitez na nga ba ang ‘the one’ ni Sue Ramirez?
Umaasa ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez na ang kasalukuyang nobyo na si Javi Benitez na ang kanyang makakasama sa habambuhay.
Ito ang naging pagbubunyag ng aktres sa naging panayam sakanya ng broadcaster na si Karen Davila sa vlog nito. Inamin ni Sue na lagi niyang hinahanap ang magagandang katangian ng isang lalaki na nakita rin niya sa kanyang ama mula pagkabata.
“The ideal guy is my dad. He is the best person I know. He’s the smartest. He speaks seven languages. He was a diplomat. He was so, so smart.
“Sobrang bait na tao. All the people that I meet and interact with who had a relationship with my dad before, like a friend or kahit katrabaho, they have nothing bad to say about my dad. Sobrang nakaka-proud,” wika ni Sue. Ayon pa sa kaniya, may mga katangian si Javi na katulad rin ng kanyang ama.

“Sana [siya na]. I am the type of person kasi na kapag nag-love ako, love ko talaga. Sana yun na yun,” aniya.
Nang tanungin kung tatalikuran ba ng aktres ang kanyang career sa showbiz sakaling manalo ang nobyo na tumatakbo bilang Mayor ng Victorias City, Negros Occidental, kumpiyansa si Sue na hindi iyon hihilingin sa kanya ni Javi.
“The good thing about Javi, he doesn’t bring that up. He understands the work that I do and he knows how much I love my job. He’s not going to let me give it up,” saad ng aktres.
“Every time naman that I can, I will be there. But of course, gusto ko din na ginagawa ko yung gusto ko habang ginagawa niya yung gusto niya. And we are young. Ang dami pa naming plano. Tanggap ko talaga na ang priority niya, of course he’s running for mayor, so ang priority niya talaga is the city. Ibibigay ko yun sa kanya. Hindi ako magde-demand. He treats me the same way,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Sue na ibang usapan na kapag may kinalaman na sa alinman sa kanilang mga indibidwal trabaho.
“Kapag usapang trabaho, iba na yun. Siguro in the future, magkakaroon kami ng mas maraming time together. Pero for now, we are trying to establish yung ikaw lang mag-isa habang kayong dalawa,” paliwanag niya.
Noong Mayo 2019, ipinakilala si Javi Benitez bilang isa sa mga artista ng Star Magic ng ABS-CBN.
Naging bahagi ang aktor ng primetime series na “The General’s Daughter” at “Walang Hanggang Paalam,” na nagtapos noong Abril.
Nagkamabutihan sina Sue at Javi habang ginagawa ang action film na “Alpha Kid One” sa direksyon ni Richard Somes.
Sue Ramirez, umaasang si Javi Benitez na ang huling ‘the one’
Source: Babaero Balita


0 Comments