Nagbalik sa ASAP stage si Xyriel Manabat para sa kaibigang si Andrea Brillantes
Nagbalik sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo ang dating child star na si Xyriel Manabat para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang kaibigang si Andrea Brillantes.
Ipinagdiwang ni Andrea ang kanyang ika-19 na kaarawan sa pamamagitan ng pagsasayaw sa mga hit ng TikTok kasama ang kanyang “Goin Bulilit” batchmate na si Xyriel.

Bilang mensahe sa kaibigan, sinabi ni Xyriel na labis niyang ipinagmamalaki ang mga nagawa ni Andrea sa mga nakalipas na taon at ang kanyang pagiging matatag at lakas na tiisin ang lahat ng hamon sa buhay.
“Para sa akin po, alam naman na siguro ni Blythe lahat ng mga messages na gusto kong sabihin sa kaniya. Pero above all, gusto ko po siyang i-congrats kasi sobrang lakas po ng taong ‘yan,” ayon kay Xyriel.

“Isa po siya sa pinakamatatag na taong kilala ko. Congrats, I’m really proud of you kung gaano kalayo and kung gaano kaganda ‘yung narating mo,” dagdag pa niya.
Masaya namang tumugon si Andrea na ikinararangal niyang maging bahagi ng ASAP comeback ni Xyriel, na nangyari sa kanyang espesyal na araw.

“Thank you dahil hanggang ngayon, talagang nandito ka pa rin. At masaya ako dahil kasama kita dito. Masaya rin ako na ‘yung performance mo, kasama kita,” aniya.
Nagsimula ang showbiz career ni Xyriel bilang child actress matapos sumali sa Star Circle Quest noong 2009.
Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga inspirational hit series tulad ng “Momay”, “Agua Bendita”, “100 Days to Heaven”, at “Hawak Kamay.”

Xyriel Manabat, nagbalik sa ‘ASAP’ para sa birthday ni Andrea Brillantes
Source: Babaero Balita


0 Comments