Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lyca Gairanod, kabilang sa magpi-perform sa UniTeam rally; umani ng reaksiyon mula sa netizens

Umani ng halo-halong reaksiyon ang kauna-unahang kampeon ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod matapos maisapubliko ang pagkakabilang ng


Umani ng halo-halong reaksiyon ang kauna-unahang kampeon ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod matapos maisapubliko ang pagkakabilang ng kanyang pangalan bilang performer sa UniTeam rally na gaganapin sa Las Piñas ngayong Linggo.

Nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang netizens para sa menor de edad na mang-aawit dahil sa pagkakadawit nito sa campaign event ng anak ng diktador/dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isang poster na ibinahagi ng kinatawan ng Las Piñas na si Camille Villar sa Facebook, kabilang si Lyca sa line-up ng magpi-perform sa campaign event kasama sina Toni Gonzaga, Silent Sanctuary, Andrew E, Hale at Plethora.


Ilang netizens sa Twitter ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pagkakadawit ni Lyca sa event.

Samantala, ang iba naman ay nanawagan na huwag sanang husgahan at i-cancel ang 17-anyos na mang-aawit.

“Please don’t “cancel” Lyca Gairanod just because of her gig sa rally ni bbm. We have to understand her situation. She’s her family’s breadwinner. She needs the money and let’s not forget na she’s a minor as well,” pakiusap ng isang netizen na may username na @BUNNlNAYEON.

“Lyca Gairanod is too young for this stuff. Dumaan tayo sa phase nyang di mulat at walang solid na political background. Do not cancel her.” ayon naman kay @jepestela.

Sa kabilang banda naman ay magdaraos rin ng Solidarity Walk ang mga taga-suporta ng Leni-Kiko tandem sa Parañaque, kung saan nakansela ang campaign rally ng UniTeam kahapon dahil sa biglaang malakas na pagbuhos ng ulan.



Lyca Gairanod, kabilang sa magpi-perform sa UniTeam rally; umani ng reaksiyon mula sa netizens
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments