Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kyla, sumama sa kampanya ni Leni Robredo sa Bacolod

Nagdeklara ng pagsuporta ang Queen of R&B na si Kyla para sa presidential aspirant na si VP Leni Robredo sa pamamagitan ng pagsama at pagtanghal


Nagdeklara ng pagsuporta ang Queen of R&B na si Kyla para sa presidential aspirant na si VP Leni Robredo sa pamamagitan ng pagsama at pagtanghal sa humigit-kumulang 70,000 na tao na dumalo sa campaign rally na naganap noong Biyernes sa Bacolod City.

Umakyat sa entablado at inawit ni Kyla ang kanyang hit song na “Hanggang Ngayon” sa Paglaum Stadium sa Bacolod City, bilang isa sa mga guest artist ng tambalang Leni-Kiko.

Isa ang singer sa pinakabagong high-profile showbiz personality na nag-endorso kina Robredo at Pangilinan. Habang nasa entablado at nakasuot ng pink ay nanawagan si Kyla sa mga botante na suportahan ang tandem sa May elections.


Kabilang si Kyla sa mga artista na pisikal na dumalo sa rally ng tambalan sa unang pagkakataon, kasama ang mga beteranong aktor na sina Ronnie Lazaro at Joel Torre.

Ang mga kilalang personalidad na dati nang sumali sa mga rally at muling sumama sa Bacolod ay ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan na music icon na si Sharon Cuneta, “Ako Ay Pilipino” singer na si Kuh Ledesma, screen veteran Edu Manzano, aktres na si Nikki Valdez at Agot Isidro, performer na si Gab Valenciano, ang singing group na The Company, at TV host Ogie Diaz.

Kasama na ngayon si Kyla sa dose-dosenang entertainment personalities na sumama sa mga rally nina Robredo at Pangilinan nitong nakaraang buwan.

Ang mga tulad ng OPM pillar na si Ely Buendia at batikang aktres na si Cherry Pie Picache ay dati ring nag-endorso sa dalawang kandidato sa magkahiwalay na rally.

Marami naman ang mas humanga pa lalo kay Kyla dahil ngayong lang daw nila ito nakitang hayagang sumuporta at nanindigan para sa isang kandidato.



Kyla, sumama sa kampanya ni Leni Robredo sa Bacolod
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments